Showing posts with label Buhay-buhay. Show all posts
Showing posts with label Buhay-buhay. Show all posts

Friday, November 7, 2008

NDE - continuation

Dahil sa nabasa ko yung post ni princesscha tungkol sa paglunok niya ng piso nung bata pa siya ay bigla kong naalala yung sa akin kung saan may nalunok din ako.

Siguro nasa 8 or 9 na taong gulang ako nun, napadalaw ako nun sa bahay ng aking mga pinsan sa Ugong Valenzuela. Ang mga tito at tita ko ay nag-ayang mamasyal sa mall na hindi ko na maalala kung saan man yun. Masaya kaming nag-iikot at namimili, ang mga pinsan ko (mas matanda nga pala ako sa mga pinsan kong iyon) ay panay ang turo sa mga kung anu-anong pagkain upang ipabili sa tita ko. Dahil sa hindi naman nila ako anak, syempre kahit gusto kong magturo ay nahihiya naman ako, sabi pa nga ng tita ko "tignan nyo si Kuya Axel nyo ang bait hindi nagtuturo ng kung anu-ano". Duhhh!! Syempre shy aku eh. hehehe.

Matapos ang aming pamimili ay umalis na kami at umuwi. Habang nasa daan ay nagutom na kami (dahil gabi na nung oras na yun), tinanong ng tita ko kung saan namin gusto kumain, dahil sa batang Jollibee (Chroneicon bida ka sa kwento kong ito) ako ay yun ang sinabi naming kainan. Naisip na lang ng mga tito at tita ko na mag-drive thru na lang para mabilis ang biyahe dahil sa gabi na at ihahatid pa nila ako pauwi. Habang nasa biyahe pauwi at kinakain na namin ang aming chicken joy ay nakikipagkulitan ako sa mga pinsan ko. Kunwari ay tulog ako pero kumakain pa rin ako nung chicken ko at tuwang-tuwa naman sila sakin. Patuloy ko yung ginawa hanggang sa malapit ko ng maubos ang chicken joy ko nun ng bigla akong hindi makahinga. Ako ay nagtatalon-talon sa loob ng sasakyan at hawak-hawak ang aking lalamunan habang pinipilit kong makahinga subalit ako ay bigo. Ang mga pinsan ko sa likod ay natatakot na at silay sumisigaw na sa tito at tita ko ng mapansin na nga nila na may nangyayari nang hindi maganda sa akin. Pilit nila akong tinatanong kung anu problema sa akin, dahil sa hindi na ko makahinga ay hindi rin ako makapagsalita dahil walang hangin ang lumalabas sa bibig ko. Natataranta na rin ang tito at tita ko ng maisipan nilang huminto sa tabi at bigyan ako ng isang bote ng tubig, ito ay aking nilagok at hindi ko mainum at naisuka ko lamang. Hindi na ko makapag-isip ng maayos at siguro ilang segundo na lang ay tuluyan na kong mawawalan ng hininga ng ulitin kong uminum ng tubig mula sa bote. Sa laking galak ko ay lumuwang na aking paghinga. Matapos ang pangyayaring iyon ay pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na talaga ako.

Matapos ang lahat ay dumeretso na kami at inihatid nila ako pauwi ng bahay ko. Pagdating namin sa bahay ay nakitang andun pala ang aking Lolo at Ninong na isang doctor. Kinuwento ng aking tita ang nangyari at agad namang tinignan ng Lolo ko ang aking lalamunan at nakita niyang merong nakabarang buto ng manok sa aking lalamunan kung kaya't nahirapan akong huminga noong panahong iyon. Sinabihan na lamang akong kumain ng prutas upang maitulak ito pababa. Matapos nun ay wala na kong nararamdamang kakaiba sa aking lalamunan.

Hindi pa diyan natatapos ang aking kalbaryo.

Nang maayos na aking pakiramdam ay pagdating ng lunes at akoy pumasok sa eskwelahan at parang normal lang ang lahat sa akin ay tuloy lang naman ang aking aktibong paglalaro. Alam naman natin na ang mga bata kapag nakarinig ng bell ng recess ay nagtatakbuhan palabas, lalo na kami dahil unahan sa tindahan upang makabili ng pagkain namin. Nang tumunog na ang bell ng recess ay agad kaming nagtakbuhan at ng medyo nakakalayo na ko sa class room namin (mga 20 meters na ata yun) ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paghinga ko muli. Ang naisip ko agad sa mga panahong iyon ay bumalik ng class room dahil (isa akong henyo) parang ganito rin yung pakiramdam ko nung hindi ako makahinga nung isang gabi. Hindi nga ako nagkamali at habang dahan-dahan akong naglalakad pabalik ay hindi uli ako makahinga (parang may asthma o hika) at bigla na kong tumakbo paloob upang kunin ang aking water jug. Uminum ako ng tubig at naisuka ko lang uli gaya nung una, subalit inulit ko na lang hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan ay nasa loob pa pala ang aming guro at nakita niya akong hinahabol ko ang aking hininga. Agad niya ako pinasamahan sa isa kong classmate (na hindi ko na maalala kung sinu) sa school clinic dahil inakala niya na dahil sa nalipasan lang ako ng gutom. Pagdating ko sa clinic ang yun din ang akala nila kung kayat ay ikinuha nila ako ng lugaw (yes! libreng food) at pinakain sakin hanggang sa dumating ang aking sundo. Tumawag na pala sila sa bahay at pinasundo na ko (yes! uli) at akoy nakauwi na nung maayos na aking pakiramdam.

Talagang naging mapalad ako nung edad kong ito at nagpapasalamat ako kay Lord dahil dalawang beses ba namang muntik ng ma-dedbol ay nakakaligtas pa rin ako. Lesson, wag kakain ng chicken ng nakapikit. lolz!!

Thursday, November 6, 2008

NDE

Dahil sa tinag ako ni Lethalverses ay wala akong choice kung hindi ang gumawa rin post. Sa totoo lang, hindi ko na maalala yung mga Near Death Experiences (NDE) ko at kung meron man siguro o kung NDE nga yun na maituturing.

Dahil nga sa hindi ko na rin masyadong maalala ang mga bagay na yun ay magiging maigsi lang siguro ang aking kwento. Hindi ko na maidetalye pa ng husto gaya ng ginawa ni Lethalverses.

**********

Pagkakaalala ko nasa 6 hanggang 8 taon na gulang na siguro ako nun. Naglalaro kami ng aking kapatid na lalake sa aming bakuran ng kung anu-ano, maghahabulan at maghaharutan. Dahil sa may nakita kaming mga sanga o tangkay ng puno ng manga ay bigla kaming nakaisip na paglaruan iyon.

Kung naalala nyo pa ang cartoon show dati sa TV (na hindi ko na maalala ang title) na panahon ng mga dinosaurs at may mga taong sumasakay dito na para lamang sasakyan o mga tangke ang mga ito. Magtataka ka nga siguro kung futuristic ang show or makaluma dahil may mga laser guns at canons na sandatang nakakabit sa mga dinosaurs na ito.

Going back sa aking kwento.

Ayun nga, naisip namin na magpanggap na mga dinosaurs gamit ang mga tangkay o sanga na para bang mga kamay o galamay ito. Todo kami sa paglalaro ng aking kapatid, at syempre dahil mas matanda siya sakin unti-unti nya akong natatalo (nagpapatalo talaga ako nun) sa parang laban naming dalawa. Ako’y paatras na naglalakad nun ng hindi ko namalayan na may bata pala akong naapakan at dumulas ang paa ko. Sa dahilang iyon ay napatalikod akong bumagsak sa isang batong upuan ng bakuran naming at tumama ang akin ulo dito ng malakas. Pano ko nalamang malakas, dahil sa nagkaron ng malaking sugat sa ulo ko.

Sa hindi paraang hindi ko mapaliwanag ay, wala akong naalalang umiyak (syempre strong ako eh) aku nun. Dinala ako sa isang clinic na hindi ko maalala kung saan at tinahi ang sugat ko sa may likod ng ulo ko.

Sa ganoong paraan masasabi ko na swerte pa rin ako na hindi talagang nabagok ang ulo ko dahil kanto ng semento yung pinagbagsakan ko.

**********

Dahil sa ako ay marunong magmaneho at nagmamaneho din ay siguradong hindi ako malayo sa disgrasya, alam din siguro ito ng kahit na sinung nagmamaneho dyan. Kahit na gano ka kagaling magmaneho o ka-ingat magmaneho, ang aksidente ay naghihintay lang na maganap.

Ako ay nasa kolehiyo pa ng mga panahong iyon siguro nasa 3rd year college na ata ako. Kami ay may subject na Philosophy kung saan ay meron kaming napaka bait na propesor. Dahil sa nalalapit na ang final exams naming, naisip nyan gawing kakaiba ang finals na ibibigay niya sa amin. Sa halip na magbigay ng isang test na aming sasagutan ay mag-outing na lang daw kami sa Pansol Laguna, at kumuha ng private resort para sa block lang namin at dun magkaron na lang ng parang oral exam (hindi yung bastos ah). Syempre share-share naman kami dun. Lahat ay natuwa at pumayag sa kanyang ideya.

Dahil sa sobrang excited ng mga tropa ko nung college ay naisipan naming mag-overnight doon sa resort kahit na half-day lang ang napag-usapan. Binayaran na lang naming yung kulang para makapag-overnight kami.

Ako ay nagdala ng sasakyan (van) para sa tropa naming nasa 7, nagkita kami sa school ng mga banding tanghali at nagtungo na kami sa Pansol Laguna. Nang makarating na kami sa private resort ay agad naming kaming nakasiyahan, nagkantahan (may videoke kasi, kaso maghulog ka pa ng 5 pesos) at nagsimula na ng inuman. Kami ay nagkasiyahan hanggang mag-umaga at wala ni isa sa amin ang natulog hanggang sa dumating pa nung umaga yung iba pa naming mga ka-block sa resort. Mayamaya naman ay dumating na aming propesor at sinumalan ang oral exam (uulitin ko, hindi yung bastos) at ng matapos na lahat ay tuloy ang kasiyahan ng lahat. Dahil sa maloko din ang propesor naming ay may dala pala siyang hard na alak upang pagsaluhan naming mga umiinum. Kahit na nakarami na kami ng inum nung gabi ay inum pa rin kami hanggang sa abutin uli kami ng gabi sa resort.

Matapos ang lahat ng kasiyahan ay panahon na upang umuwi na lahat. Dahil sa walang marunong magmaneho sa mga tropa ko at akin ang sasakyan, syempre ako uli ang magmamaneho pauwi. Kahit na marami akong nainum ay hindi naman ako nalasing at pakiramdam ko kaya ko pang magmaneho kaya tumuloy na kami sa byahe namin. Nang makarating na kami sa SLEX (South Luzon Expressway) ay dun ko na naramdaman ang pagod at puyat na ginawa namin. Nagsisimula na kong antukin at magpapikitpikit ang aking mga mata. Nung una ay gising pa ang mga pasahero ko sa likod pero kinalaunan ay mga nakatulog din ang mga mokon, buti na lang ay hindi ako tinulugan ng dalawa kong katabing tropa na babae sa harap at ng isa ko pang tropang lalake sa likod. Pilit nila akong inaaliw para lang hindi ako makatulog, magpipicture kami, iinum ako ng tubig, ngunguya ng bubble gum, hihilamusan ang mukha ko ng tubig at kung anu-ano pa. Sa awa ng diyos ay nasa may Taft na kami, hindi ko na nga lang maalala kung saan banda yun. Syempre andun na ang mga stop light at mga jeep na bigla na lang tumitigil sa gitna ng kalsada. Mga banding alas-onse na ata yun habang binabaybay naming ang Taft ay napapikit ako at naka-idlip, buti na lang ay tinapik ako ng katabi kong tropa nun at pagmulat ng mata ko ay naka-red ang stoplight at nakahinto na ang jeep sa unahan naming at bigla kong inapakan ang preno *insert sound of breaks*. Ako ay nahimasmasan at pagtingin ko ay 1-inch na lang ay babangga na kami sa jeep na nasa unahan namin.

Masasabi kong swerte pa rin talaga ako at mga katropa ko. Ibig sabihin NDE naming lahat yung pangyayaring iyon. Ang masasabi ko lang din ay natuto na ko mula noon na dapat magtira ng pang-uwi lalo na kung magmamaneho ka at wag iinum ng marami kung hindi na kaya hindi na ko magpupuyat ng walang tulog ng dalawang araw. Grabe hirap pala nun.

**********

Dalawang kwento na lang siguro ang aking ibabahagi para dito sa entry na ito. Lethalverses pasensya kung natagalan at medyo nagging busy lang ako. At dahil gaya ng sabi ni Pampoy, na-tag na ata nila lahat ng greenies ay dun na lang ako sa mga bagong greenies na may mga bagong blog site na.


Princesscha
Toyz

Sunday, November 2, 2008

Araw ng mga Patay o ng Buhay

Taon taon sa tuwing sasapit ang Nov. 1 (which is All Saints Day and not All Souls Day), lahat ng mga tao ay dumadagsa sa sementeryo maging nasa probinsya man eto o sa Metro Manila... Sa mga Pilipino eto ay naging tradisyon na satin upang dalawin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na... Para sa ibang bansa naman, kung saan Halloween ang tawag nila ay ginugunita nila sa pamamagitan ng mga pagsasaya at "trick or treat" na mga kabataan.

Ngunit sa bawat taong lumilipas, napapansin ko ata na paunti-unti na lang ata ang mga dumadalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay... Eto ba ay dahil sa hirap ng buhay, dahil ba masyadong nakakapagod bumiyahe, o sa ibang araw na lang sila dumadalaw??

Napapansin ko rin na ang mga taong dumadalaw ay para na lamang namamasyal sa parke o para lang silang nagpipicnic...


Pero iisa lang ang napapansin kong hindi nagbabago... Eto ang mga taong naghahanap buhay sa araw na toh... Ang mga bulaklak nagtaas ang presyo, Php 100 na parking fee, ang mga nagtitinda ng mga pagkain at kung anu-ano pa man... Ang araw na ito ay nagiging pagkakataon na lamang sa mga tao upang makapaghanap-buhay...


Anu na nga ba ang kahulugan ng Araw ng mga Patay sa atin ngayon o eto na lang ba ay naging araw ng mga buhay???

Thursday, October 9, 2008

Buhay MRT

Buhay MRT ay sadyang napakasaklap at napaka hirap. Araw-araw na pagsakay ay parang isang kalbaryo na puno ng pagsubok.
Sa mga taong madalas sumakay ng mga pampublikong sasakyan, ang MRT o Metro Rail Transit and pinaka-kumbinyenteng sakyan. Lalo na sa mga taong bumabaybay ng EDSA papuntang trabaho (sa Makati, Ortigas, Mandaluyong o Taguig).
Samu't saring mga tao ang maari mong makita at makasabay sa loob ng tren na ito. Samu't saring amoy din ang iyong malalanghap (mga anghit, pawis, mabahong hininga at utot). Minsan parang gusto mo na lang sumuka sa loob at ilabas ang kinain mong agahan.
Kung mapapansin mo din, napaka-dami ng mga taong sumasakay dito (tignan mo na lang ang litrato). Kuha ko yan mula sa taas ng estasyon ng North Ave. Station. Eto ang araw-araw na itsura sa station na to tuwing umaga at ang mga tao ay pumapasok sa kanikanilang mga trabaho.
Dahil sa naka-raang insidente na rin ng pambobomba, tinawag na Rizal Day Bombing, ang seguridad ay pinhigpit na rin.
Dahil na rin sa mga insidente at pagrereklamo ng mga babae na sila ay nahaharas ng mga lalake sa loob ng tren ay ginawan sila ng kanilang sariling couch o sariling bahagi ng tren para sa mga babae. Aba naman, sa dami ba naman ng mga taong sumasakay ay napaka reklamador nyo ah! Karamihan naman sa inyo ay walang "K" para naman maharas noh! Ngayon nga ay kahit may sarili na kayong mga puwesto sumisiksik pa rin kayo sa lugar ng mga lalake. Hindi kaya yun yung mga babae na gustong magpaharas. hehehe.
Meron na rin mga insidente na may nananakawan ng mga gamit pag-akyat ng estasyon, sa labas ng estasyon at pati sa loob na rin ng tren. Akalain mo nga naman ang kapal ng mga mukha ng mga tao ngayon. Ginagawa nila ito habang nagsisiksikan sa loob at labas ng tren.
At dahil na rin sa siksikan sa loob ng tren marami na rin mga tao ang nag-aaway dahil dito. Lalo na ang mga lalake na masagi lang ng iba ay maghahamon na ng suntukan. Aba, nasa pampubliko kayong sasakyan kaya wag kayong masyadong mareklamo daig nyo pa mga babae ah! Meron din nag-aaway dahil sa pagsasabihan ng kapwa na umusog ka at maluwang pa sa kabila, syempre mga lalake nanaman ang mag-aaway. Merong matatapang talaga at merong mga nagtatapang-tapangan lang. Hahaha!!! Pussy Dick!!! lolz.
Eto lang naman ang mga iilan sa mga kalbaryo ng mga taong sumasakay ng MRT araw-araw. Kung kayo ay nagbabalak na sumasakay ay ihanda nyo na mga sarili nyo sa mga ganitong pangyayari at normal na yan.

Tuesday, October 7, 2008

Hugas Kamay

Kasama ko ang barkada sa isang kilalang coffee shop, upang magkape (syempre naman, alangan namang mag-inuman) at magkwentuhan na rin habang hinihintay ang kanyang nililigawang babae. Pero hindi naman yun ang kwento ko.


Dahil sa dami ng kape na aking nainum (White Mocha Frap Blended in Coffee nga pala order ko), ako ay nagpunta sa Restroom upang, you know, make "wiwi" and everything. Pagkatpos kong mag-wiwi syempre maghuhugas ng kamay (kadiri yung mga hindi nag-huhugas ah!), nang makita ko ang isang karatula nila, isang gabay sa paglilinis ng kamay para sa mga crew nila.

Para sa mga hindi makabasa eto ang steps:

1. Wet > basain ang kamay (pwede rin ang paa at mukha mo kung gusto mo lang, o baka naman gusto mo ng maligo nyan.

2. Soap > lagyan ng sabon ang kamay (oh! baka naman ipang-ligo mo nanaman at mag-hilod ka pa ah!)

3. Wash for 30 sec. > hugasan ng mabuti sa loob ng tatlumpung segundo (pwede rin 5 sec. lang kung gusto mo, pero kung tumae ka, tagalan mo naman... eeewwww!!!)

4. Rinse > banlawan ang kamay (kamay ha!! baka naman labahin ang banlawan mo dyan...)

5. Dry > patuyuin ang kamay (ang kamay uli at hindi ang labahin)
6. Turn off water > patayin ang tubig (baka naman iliteral mo at saksakin mo yung tubig ah)
Pero ang napansin ko talaga dito ay, sa huli mo pa pala kailangang patayin ang tubig... WTF!! Paghuhugas ba ng kamay ang steps na to o pag-aaksaya ng tubig... tsk tsk!! Kung sinu man ang gumawa nito ay malamang malaki ang bill lagi ng tubig sa bahay...

Madalas din siguro siyang maghugas kamay (figuratively ang literally)... lolz...

Wednesday, October 1, 2008

Simpleng Bagay Lamang

Araw-araw lahat ng tayo ay abala sa mga kanya-kanyang gawain, maging sa bahay man ito, sa trabaho, pag-iinternet, o sa iba pang mga bagay.

Maraming mga bagay tayong inaalala at naalala. Inaalala natin kung pano tayo mamuhay sa pangaraw-araw, kung pano natin tatapusin ang mga proyekto sa eskwelahan, matapos ang mga trabaho sa opisina sa takdang panahon.

Naalala naman din natin ang mga pangyayari ng nakalipas at ang kasalukuyan. Naalala natin ang mga kaarawan ng mga kaibigan at iba pang mga taong malapit sa atin. Naalala natin ang mga gimik ng barkada. Naalala din natin ang mga bayarin natin sa kuryente, bayarin sa eskwela, sa mga credit cards at kung anu-ano pa.

Sa mga samahan naman gaya ng mga kaibigan, kapamilya o kahit na sinu pa man, hindi natin nakakalimutan ang mga magagandang pangyayari kasama sila. Hindi rin nalilimutan ang mga magagandang bagay na ginawa nila para sa atin. At ang mas masama pa ay lalong hindi natin nakakalimutan ang mga masasamang pangyayari o masasamang nagawa nila sa atin.

Pero anu ba ang madalas nating makalimutan?

Ang hindi napapansin ng nakakarami na madalas makalimutan ng isang tao ay mga "Maliliit na Bagay" (Simple Things).

Sinu nga ba ang makakapansin nito? Eh maliit nga naman, anu ba naman at pag-aaksayahan pa ng panahon.

Maaring sabihin na hindi ito maikukumpara sa mga malalaking bagay na ating nararanasan, nadarama o nakikita. Pero dapat nating isipin na sa mga "maliliit na bagay" na ito nabubuo ang mga malalaking bagay. Wala nga namang lumabas na lang o nangyari na lang bigla at itoy lumaki. Lahat ay may pinagsimulan. Ang mga malalaking negosyo ay nagsisimula sa maliit na negosyo. Ang mga malalaking halaman ay nagsimula sa isang maliit na buto. Ang pag-ibig ay nagsimula sa paghanga. Ang malalaking away ay nagsisimula sa maliliit na away.


Kailangan nating maging mapagmasid sa mga ganitong bagay. Kung ating mababalewala ang mga maliliit na bagay na ito maaring magsisi lamang tayo sa huli dahil kapag naipon ang mga maliliit na bagay na ating nakaligtaan ay maari itong maging malaking bagay. Malaking bagay na mahirap ng ibalik sa Maliit.


Wednesday, September 24, 2008

Bagong Bili kong Libro

Inimbitahan ako ng kaibigan ko nung ika-15 ng Septiyembre taong 2008 na pumunta ng Book Fair sa SMX Convention Center. Nung una sabi ko, kelan ka pa nahilig sa libro? Ang totoo pala nagbabasa na pala siya ng mga libro dati pa, kaso puro relihiyosong libro. Ako naman ang napa-isip ngayon. Bakit ako pupunta doon, wala naman akong hilig sa pagbabasa ng libro. Pero, bigla akong tinamaan ng ideya sa utak ko.

Why not chocobot?

Itong pinuntahan nga pala namin ay ang 29th Manila International Book Fair!

Bakit ko nilagay?? Wala lang, bakit ka ba nakikielam... hehehe...

Nang dumating na kami dun, ay pasara na yung SMX kasi ba naman na-traffic ako papunta dun. Wala na lang sisihan, hindi ko kasalanan yun. Kaya naglibot na lang kami agad upang maghanap ng mga libro.

Tinanong nya ko, anu daw bang libro hinahanap ko? Aba! Malay ko, wala nga akong hilig sa libro kaya hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap ng libro at kung anung klase ng libro.

Kami ay napadpad sa Power Books. Daming sale ng mga libro, parang ukay-ukay lang. Sabi ko tingin nga ako ng mga libro, may mga nakita akong libro na pamilyar sa aking pandinig. At naka Sale pa sila. Kaso ng tignan ko ang presyo ng mga librong ito. Ako'y nagulat dahil nasa Php 700 pala ang mga halaga nitong mga aklat na ito. At dahil sa wala nga akong hilig sa mga aklat ang Php 300 na aklat para sa akin ay nagMUMURAng presyo.

Habang naghahanap ng mga murang aklat na magugustuhan ko, bigla akong may nakitang aklat. Sabi ko sa sarili ko, eto na lang bibilin ko. Mura lang eh nasa Php 300 pesos lang ang presyo niya.
Kaya eto na yung librong nabili ko.

Hahaha, kala mo kung anung napaka-gandang aklat ang nabili ko eh noh. Pero ayun sa mga naririnig ko maganda daw talaga ang aklat na yan.

Lam ko na sasabihin nyo, luma na yang aklat na yan at pwede namang manghiram na lang ako sa kakilala ko. Pero bakit ba, pero ko yun eh. Hehehe... Tsaka eto ang kauna-unahang aklat na nabili ko gamit ang pera ko. Kung kaya't ipinagmamalaki ko ito.

Sana nga lang hindi rin siya matengga sa bahay gaya nung mga aklat na hiniram ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos basahin. Hehehe... Gaya nung Angels & Demons na 2 years na kong natigil sa pagbabasa nun at hanggang ngayon ay nasa Chapter 50 pa rin ako. Nakalimutan ko na nga ata yung kwento eh.

Pero sisiguraduhin kong babasahin ko talaga eto.

Singit ko lang yung iba pang mga kuha ko sa SMX.


Sunday, September 14, 2008

Magkaibang Mundo

May kaibahan nga ba ang mundong ating ginagalawan ngayon? Makalayo sa bawa't isa, eto ang ating naging kapalaran. Andyan ka at ako'y nandito. Ilang libong milya ang layo sa isa't isa.


Tinatanong ko ang sarili, dahil ba nasa ibang lugar tayong dalawa ay magkaiba na ang mundong ating ginagalawan. Parehas may pagbabago sa buhay. May mga bagong kaibigan na nakikilala. May mga pagsubok na kailangang daanan at pagtagumpayan. Parehas dumaranas ng kalungkutan sa bawat araw na lumilipas. Bago ang kulturang binabagayan.


Tama bang isipin natin na makaiba ang mundo ng dalawang tao na magkalayo lang at nakatira sa makaibang lugar? Hindi ba't parehas lang ito at magkaiba lang ang mga pagkakataon. Ilang lang ang lugar, mga kasama at Kultura pero iisal ang pinanggalingan natin.