Showing posts with label Kwento lang. Show all posts
Showing posts with label Kwento lang. Show all posts

Saturday, April 10, 2010

Bangko Mo - Bangko Ko

Bata pa lamang ako ay namulat na ang aking pag-iisip sa pagbabangko, dahil ito sa aking ina na nagtatrabaho sa bangko noon. Subalit nabili na ito ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pinas. Marami na rin akong mga bangko sa na nabisita. Ngayong nasa edad na ko na ako ay isa sa mga cliente ng mga bangko ito, ay mas naikukumpara ko na ang mga serbisyo nila - lalo na yung mga may "branches".

Friday, November 20, 2009

Pumila ng Maayos

Nung mga bata pa tayo kapag may mga flag ceremony lagi tayong pinapapila ng ating mga guro ng maayos para maganda daw tignan. Kapag hindi maayos ang pila ang sasabihin ng guro natin, "Ayusin nyo yung pila", "Ideretso ang pila", minsan pa nga "Arms forward, raise" para daw maidercho yung pila natin.

Itinuro siguro satin ito nung bata pa tayo para matuto tayong pumila ng maayos sa mga tamang pilahan pagtanda natin. Sa panahon ngayon mukhang hindi talaga tayo natuto sa itinuro sa atin ng ating mga guro.

Gaya na lamang ng pilang ito sa hintayan ng bus sa Bonifacio Global City. Nagulat talaga ako ng makita ko ang pila na to. Sabi ko nga, teka, saan ba talaga ang pila?!?!

Sa tingin nyo saan kaya talaga papunta ang pila na to? May pahalang, may paderetso na pila. Saan kaya ang ang dulo at saan ang umpisa?

Hindi ba't kay ganda kung kagaya pa rin nung mga bata tayo? Yung mga pila na pinapagawa sa atin ng mga guro natin.




Ngayon ko lang din talaga nakita ang kahalagahan talaga yung mga itinuro sa atin dati nung mga bata pa tayo. Hindi ba't ang ayos tignan at gandang tignan? Sana matutunan natin ito uli kahit na medyo matatanda na tayo.






Saturday, November 7, 2009

Kapatid: Chapter 3

Hindi ko alam kung matutuwa kayo pero, andito na ang ikatlong yugto ng "Kapatid".

Gaya ng pangyayari sa ikalawang yugto, dumating na muli ang isang espesyal na panauhin ng aming komunidad. Gaya din sa ikalawang yugto, ang paghahanda namin ay umabot muli sa dalawang linggo lamang.

Maraming preparasyon muli ang naganap hanggang sa dumating ang espesyal na panauhin. Pinilit tapusin ang mga papeles na gagamitin sa mga pagpupulong na magaganap. Ang isa mga mga miyembro namin ay hindi nakapasok kaagad matapos ang isang mahabang bakasyon dahil sa masamang karamdaman. Dahil sa kagustuhang matapos ang mga gawain ay, pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw. Kahit nanghihina ang buong katawan at hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ay pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw.

Nagpulong ang aming grupo upang tulungan ay aming miyembro sa kanyang mga papeles dahil siya ang may pinaka-maraming pagpupulong na magaganap. Inabot kami ng gabi para tapusin ang mga papeles, ngunit hindi pa rin tapos. Dahil sa madilim na ay kinakailangan na naming kumain ng hapunan. May mga kasamahan pa kaming nagsasabi na kailangan ng kumain ng aming miyembro na nanghihina upang siya ay maka-inum ng kanyang gamot. Nagbigay na ko aking suhestiyon na magpadala na lamang ng pagkain galing sa labas, subalit sinabi ng aming pinuno na mas matagal pa daw iyon.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin natatapos ang lahat ng mga papeles. Dumaan na muli ang ibang mga kasamahan at kinukulit nang kumain ang miyembro namin para makainum ng gamot. Ang isa sa mga punong pinuno din ay nagbigay na rin ng mungkahi na magpahinga ng maige ang lahat. Matapos ang lahat, ang nasabi lamang ng aming pinuno "Bakit alam ba ng kasamahang iyan na may darating tayong espesyal na bisita?".

Ang pagpupumilit ng pinuno ay walang katulad, na walang pagpapahalaga sa kanyang mga miyembro.

Umabot na ang araw ng pagdating ng espesyal na panauhin, nagsimula na ang mga pagpupulong, subalit nabalitaan na lamang namin na naitakbo sa ospital ang isa mga miyembro. Dala ng sobrang pagod ay hindi na kinaya ng katawan. Pinaalam sa Pinuno, ang naging tugon lamang nya ay "ok, noted".

Dumaan muli ang isa pang araw ng mga pagpupulong at kulang pa ang mga papeles. Pinilit tapusin ng miyembro ang mga papeles kahit na dapat na siyang nagpapahinga. Ang mga salitang binibitiwan ng pinuno ay puros masasamang salita sa miyembro, ganu ba kalala ang sakit at hindi nakapasok, wag daw siyang gagalitin. Pero kapag kaharap na niya ang espesyal na panauhin ay parang maamong tupa at panay ang pag-aalala sa kanyang miyemro.

Natapos ang lahat ng pagpupulong at hindi nakasama ang miyembro. Sa susunog na linggo ay magkakaroon pa sila ng pageensayo at pag-aaral na kasama pa rin ang espesyal na panauhin at ang pinuno. Hindi alam kung makakasama ang miyembro, dahil kinakailangan niya talagang makapagpahinga.

Matagal nang binalaan ang bawat miyembro sa asal na dinudulot ng pinuno nila. Subalit ngayon pa lamang nila talaga nalalaman ang totoong kahulugan ng mga babalang iyon. Hindi mo mawari kung anung pag-iisip nga ba meron ang pinunong iyon. Isang bagay lamang ang mahalaga sa kanya, ito ay ang sarili niyang dangal (kung meron man siya nito). Itinuring pa naman siyang kaibigan ng mga miyembro at pinakisamahan ng matiwasay, subalit ang isusukli pa rin niya ay malamig niyang pag-uugali.

Hanggang saan nga ba pagtitiis ng mga miyembrong ito bago magkaron ng lakas ng loob upang labanan ang pang-aapi sa kanila. Kelan nga ba magbabago ang pinunong ito, o may pagbabago nga bang magaganap?

Wednesday, July 15, 2009

Kapatid: Chapter 2

Sa loob ng isang taong may isang espesyal na tao ang dumadalaw sa maliit na komunidad na ito upang bumisita at hikayatin ang mga komunidad na ito upang maging kapanalig. Isang mahabang preparasyon ang kinakailangan dahil sa ang pinuno ng mga komunidad na iyon ang dapat na maimbitahan upang makipag-dayalogo sa aming espesyal na bisita.

Nang maibigay na ang pinaka pinal na dating ng espesyal naming bisita ay kulang na sa dalawang linggo upang kami ay makapaghatid ng aming paanyaya para sa mga pinuno ng komunidad na hihikayatin. Ang iba ay nakakuha na ng maraming pahintulot subalit ang isa naman ay wala pang pahintulot na natatanggap. Hanggang sa dumating ang huling araw ay nakakuha na pahintulot sa unang araw ng pagtitipon.

Maaring bisitahin ang mga pinuno sa kani-kaniyang mga komunidad o aanyayahang sa isang salo-salo.

Dahil sa dami ng dapat asikasuhin sa mga pagtitipong ito, lahat ay naging abala sa pag-aayos at tumutulong na rin sa lahat ng dapat ayusin. Hindi na matutukan ang mga pangunahing responsibilidad sa komunidad. Dahil sa daming ng mga gawain at napaghalo-halo na ang mga ito, hindi maiwasan ang mataranta at mapabayaan ng kaunti ang ibang responsibilidad. Ngunit ang nakakataas sa grupong ito ay umiral nanaman ang kanyang pagkataklesa at kawalan ng emosyon upang intindihin ang nararamdaman ng kanyang mga kasamahan. Umabot na sa maraming pangyayari ang naganap at may mga hindi nakayanan ang mga klase ng pananalita na binitiwan. Nauulit nanaman ang mga pangyayari ng nakaraan kung saan ang mga taong nakapaligid sa nakatataas ay napupuno ng galit, pagkamuhi at kawalan ng tiwala sa taong nakakataas na ito.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, kailangan pa rin ipakita ang pagiging propesyunal at ituloy ang lahat ayun sa naka-plano. Kailangang ipakita namin ang aming galing kahit na nakakaranas ng hindi maganda.

Natapos ang lahat ng mga pagpupulong sa mga pinuno ng mga komunidad na ito at nakitaan ng magandang panimula upang magsama ang ideyalismo ng bawat komunidad. May isang pinuno nga lang ang hindi nagpakita sa pagpupulong. Pero kung titignan mo ang buong resulta ng pagpupulong ay naging maganda ang kinalabasan ng lahat at maituturing na matagampay ang mga naisagawang pagpupulong.

May ilang mga pangyayari nga lang na halos iwanan ng nakakataas ang kanyang mga kasamahan sa nasabing mga pagpupulong dahil sa hindi inaasahang paglisan ng espesyal na bisita at nagbalik sa malayong komunidad na kanyang pinanggalingan. Ayon sa isang kasamahan, inabutan na daw ng katamaran ang nakakataas na taong iyo at hahayaan na lamang ang kanyang mga kasamahan na makipag-pulong sa mga pinunong ito. Ngunit ng mapagkaalaman ng nakakataas na ito, na ang kanyang Heneral ay sasama sa nasabing pagtitipon ay dali-daling nagbago ang isip at nakisalo na rin sa naganap na pagpupulong.

Sa mga ganitong sitwasyon mo talaga mapapatunayan ang anung klase ng tao ang mga kasama mo at nagpapakita talaga siya ng tunay niyang ugali. Dahil lang sa tinatamad ka ay iiwan mo na ang mga kasamahan mo. Ngayon pinapatunayan mo lang talag kung anung klaseng tao ka. Hindi mo na kayang kunin pang muli ang tiwala ng mga tao mo sayo. May mga tao talagang kakaiba ang ugali nila at hindi mo rin talaga kayang mawari na may taong kayang gawin yun.

Subalit kahit na may mga pangyayaring ganun na hindi mo talaga maiiwasan, may mga magagandang nangyari din sa mga pagpupulong na naganap.

Isang Pinuno: "I think the Philippines produces the smartest people in terms of academic"
"They are such hard working people"
"UP, produces the brightest ones, while ADMU and DLSU get on top due to their networks"
(oopps, wag lalake ulo... at walang magagalit, hindi akin galing yan at opinion lang ng isang tao yan)

Isa rin magandang karanasan para sa isang kasamahan lamang na makasama sa pagtitipon ng mga nakakataas na pinuno ng mga komunidad. May mga maririnig kang mga usapan na maaring noon mo lamang narinig. May mga bagay ka rin namang matutunan, lalo kung paano nila pinapatakbo ang kanilang mga komunidad. Nakakataas ng moral ito para sa mga simpleng kasamahan lamang. Nabibigyan ka ng pag-asa at ng kakayahan upang mangarap din balang araw na ikaw ay magiging pinuno din ng isang komunidad.

Saturday, July 4, 2009

Kapatid: Chapter 1

Tatlong taon na ang nakakaraan pero simula noon ay parang wala pa rin pagbabago ang nagaganap. Pilit sinusubaybayan ang mga pagbabago na maaring maganap subalit ako'y bigo pa rin.

Mga pangyayari sa loob ng isang sistema, sa loob ng isang maliit na komunidad at sa loob ng isang samahan na wala namang direktang relasyon sa isa't isa: Buhay Trabaho.

Magkakaron ng isang malaking pagbabago sa loob ng isang sistema na hindi pa talaga naisasaayos kung ikukumpara sa mundong ginagalawan. Naatasang maging miyembro ng mga hurado upang siguraduhing maging maayos ang lahat kahit na ikaw ay isa lamang sa maliliit na mga tauhan. Sa akalang suportado ka ng taong sumasaklaw sayo subalit bigo.

Ang proseso na ginagawan ng tamang direksyon ay hindi naman talaga dapat sa'yo at wala kang sapat na kaalaman para dito na ang higit na nakaalam ay ang taong sumasaklaw sa inyong maliit na samahan. Kinausap isang linggo bago ang konsultasyon para mapag-aralan ang iyong nilikha subalit hindi pa rin nagawang pag-aralan. Dumating ang takdang araw, dumating na lang at napansing andyan na ang mga taga subaybay at ikay tinawag, akala mo ay may sagot ng hain sayo subalit bigo pa rin. Inatasan na makipag-usap sa kasamahang pantay lamang ang kaalaman sa sistemang kinagisnan.

Nauwi na lamang sa pagkukusang loob na sumangguni sa mga taga subaybay at hingin ang kanilang payo. Kalahating araw na pagsasaayos at sa awa naman ay natapos din ang isang magulong sistema.

Kapag naisaayos na ang lahat ng ito, ay siyang magiging batayan ng buong sistema at dapat na sundin. Kung sakaling masulyapan ang kamalian sa sistema, ang gumawa ang siyang tatanungin. Subalit bakit naman ang taga-gawa ang masasalang sa interogasyon na ito kung siya ay napag-utusan lamang taong nararapat na may akda ng sistemang kanyang ginagalawan. Kung dumating man ang araw na iyon, walang atubiling ibabaling ang lahat sa taong nararapat na may nag-aari nito.

Kung akala mo ay laro lang ang lahat ng ito at hindi mo gagawin ang iyong parte, ay magisip-isip dahil sa araw na iyon walang ligtas ang sinu man. Kung ang dahilan mo ay marami kang gawain, isang kang baliw! Dahil hindi nauubos ang ating gawain sa araw-araw, ito'y mauubos na lamang sa araw na tayoy wala na sistemang ito. Pagsasaayos ng iyong oras at pagtugon sa may importansya ang kailangan, isa ka pa namang namumuno pero hindi ka makapagbigay ng tamang halimbawa sa mga nasasakupan mo. Isa ka talagang malaking kamalian sa sistemang ito.

Saturday, May 16, 2009

Brothers Hotshot Burgers


Pauwi na kami ng kapatid ko galing work at kasusundo lang namin sa kanyang GF habang tinatahak namin ang Thomas Morato ay ginutom ang aking kapatid... Nag-ayang kumain... Nagpunta kami sa Brothers Burger at nang dumating kami ay Closed na pala sila dahil SOLD OUT na sila dahil sa kanila 50% OFF... Kaasar naman!!! Gustong gusto ko pa naman kumain sana ng burger nila... Maiinggit na lang kami sa mga kumakain doon...






Kami ngayon ay napilitang maghanap ng ibang kakainan... Sa JT na sana kami pupunta kaso puno at walang mapaparadahan ng sasakyan...

Huling hirit na namin sa Hotshots Burger...

Umorder ng burger ang kapatid ko at ang kanyang GF pero ako ay ang kanilang Fish & Chips with Hot Choco... Arte ko Hot Choco pa talaga... La lang trip ko lang eh...hehehe...

Hindi na rin masama ang lasa kaso medyo maliit lang ang Fish nito at hindi ko rin alam kung anung klaseng isda ang ginamit nila... Nagkakahalaga ng Php 195.00 ang Fish & Chips at ang Hot Choco ko naman ay Php 40.00

Panay nga ang reklamo namin kanina dahil ang mahal pala ng food, hindi siya reasonable price... Mas mahal pa siya sa Brothers Burger at mas gusto namin ang lasa ng Brothers Burger kumapara dito. Kung anu-ano tuloy ang iniisip namin na sana kumain na kami sa ganito, sa ganyan o sana dito na lang... ahahaha... Mga reklamador talaga...
In other words kuripot lang kaming lahat... hehehe...

At para makabawi sa presyo ng kanilang food, pinagdiskitahan ng kapatid ko yung Heinz Ketchup nila... Naubos ata namin yung isang maliit na bote nila... Ahahaha, makabawi man lang sa presyo... hehehe...



Saturday, February 28, 2009

Sampung Kwento

Ayos meron na akong maisusulat na bago sa blog ko dahil sa tag ni lethalverses. Dahil interesting ang rules nitong tag na ito syempre ako din. Sa sampung (10) kwento, siyam (9) lang ang totoo dito, ang ibig sabihin nun ay hindi totoo ang isa (1) dito. Tama ba ko??
Sige na nga, eto umpisahan na natin…

1. Dahil sa nanggaling ako sa all-boys school nung high school ako (meron namang babae, mga 15 out-of 200 boys), hindi ako nasanay makipag-interact masyado sa mga kababaihan. At sa kadahilanang ito ay nung pagpasok ng college ay dumami na ang mga kaibigan kong babae. Simula noon ay nabansagan akong babaero, dahil dito ang kasalukuyang Girlfriend ko ay ang kauna-unahan kong Girlfriend sa tanang buhay ko.

2. Dahil na rin sa karamihan ng mga CR ngayon ay may bayad na (link). Naglalakbay kami noon ng aking ama at ilang mga kaibigan niya papuntang Batangas ng makaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Tinanong ko ang aking amain.

Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Oo, malapit na tayo”
Dahil nga sa hirap ng aking nararamdaman ako ay muling nagtanong,
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Malapit na tayo, bakit?”
Ako: “Natatae na po kasi ako eh”
Ama: “Tiisin mo na lang muna, malapit na tayo”

Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kaibigan ng aking ama na ako’y namumutla na.
Kaibigan ng

Ama: “Oh! Lex, bakit parang namumutla ka ata. Ayos ka lang ba?”
Ako: “Natatae na po ko eh, hindi ko na mabigilan”

Dahil sa walang malapit na estabisimento sa lugar at puro bukirin at mga talahiban, napilitan akong tumae na lamang sa likod ng isang talahib (insert song, *sa bukid walang papel*).

3. Minsan na akong lumabas sa TV (nakita sa TV), sa isang hindi naman kilalang palabas. Naglalakad lamang kami ng mga tropa ko nung college sa loob ng university, nagshoot pala sila Richard Gutierrez, Chyna Hortaleza at Glyza de Castro. Nakita kami ng mga staff nila at inanyayaan kaming maging extra para sa shoot nila.

4. Relihiyoso ang aming pamilya, kung kaya’t may kaalaman din ako sa maraming mga dasal, novena at mga kaugalian sa aming relihiyon. Dahil sa may chapel sa seminaryo sa may likuran ng aming bahay, ay doon na rin kami nagsisimba tuwing linggo. Naging kaibigan namin ang mga pare doon at mga seminarista kung kaya’t ay inanyayahan nila ako kasama ng ilang mga kaibigan upang maglingkot sa panginoon. Simula noon, tuwing linggo kami na ng mga kaibigan ko ang naging mga Sakristan sa chapel na iyon.

5. Noong highschool pa lamang kami ay usong-uso pa noon ang Eraserheads, Parokya ni Edgar at Oasis. Dahil dito ay ang daming nagsulputang mga banda sa school namin, nagbuo sila ng kani-kanilang mga banda. Papalapit na ang pasko noon ng magkaron kami ng event sa school, “Battle of the bands”. Dahil nakahiligan ko na rin ang musika ay sinubukan namin ng mga kaibigan kong bumuo na rin banda. Sumali kami sa Battle of the Bands na yun at kahit hindi man kami nanalo ng First Place ay naging Third Placer naman kami.

6. May pupuntahang party ang aking ama noon, at dahil sa gabi na nagpasama sakin ang aking ama (in other words driver ako). Dahil sa puro mga kumpare nya yung mga andun at wala naman akong kakilala dun ay napag-isipan ko na lang na magpaiwan sa sasakyan para magsound trip na lang ako. Ako ay nakaramdam ng pagtawag ng inang kalikasan at dahil nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay dun sa party ay naghanap na lamang ako ng medyo madilim na lugar upang ilabas ang aking nararamdaman. May nakita akong madilim na sulok at dun ako nagtungo ng palapit na ako sa sulok ay biglang lumusot ang kanang paa ko. May butas pala dun ng kanal at nabasa ang aking pantaloon hanggang tuhod. Umuwi tuloy akong nangangamoy sa sasakyan.

7. Noong bata pa ko ay meron din naman akong kakulitan sa katawan ko. Nasa edad na 5 hanggang 7 siguro ako nun, may hinahanap akong gamit sa kwarto ko (na hindi ko na maalala kung ano) ngunit hindi ko makita. Naisip ko ng baka naiwan ko sa sasakyan namin nung sumakay ako, kung kayat ay naghalungkat ako sa loob ng sasakyan namin, ngunit hindi ko pa rin nakita. Subalit meron akong ibang nakita noon, isang MAC-10 (Ingram or USI) na baril. Dahil sa bata pa ko at hindi ko alam kung laruan ito o hindi ay kinuha ko to. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang boy namin at tinutok ang baril sa kanya, hindi siya nakakilos at namutla sa takot.

8. Ang best way pala para matutong lumangoy ay ang malunod ka. Nalaman ko ito nung mga 8 years old pa lang ako at pinasok kami ng aking mga kapatid sa isang school para matutong lumangoy. Sa simula tinuruan kami ng iba’t ibang strokes sa mababaw at ng nakita ng instructor naming na marunong na ang lahat ay sisimulan na bagong level ng swimming lessons namin. Lumipat na kami sa malalim na pool, nasa 10 talampakan ang lalim ng pool at syempre siguradong lulubog ako. Kailangan lang naming lumangoy papunta sa kabilang side ng pool. Medyo safe naman kasi sa gilid lang naman kami pinalalangoy at may nakahandang parang kalawit kung sakaling hindi naming kayanin ang makatawid. Ang mga kasamahan naming at ang dalawa kong kapatid na lalake ay nakatawid na at ako na lang ang hindi pa. Dahil sa takot ko sa lalim ng tubig ay hindi ako tumawid hanggang sa pilitin nila ako ngunit ako ay kumakapit sa fence ng pool area at umiiyak dahil ayokong tumalon sa pool na iyon. Ang aming instructor ay lumapit at sinabing, “kung natatakot ka, ok lang yun. Gusto mo ba sabay na lang tayong tatalon sa tubig?” “Sige, kapit tayo ng kamay at pagbilang ko ng tatlo sabay tayong lulundag ah.” Pagbilang nya ng tatlo ay tumalon na ako, ngunit ng pagtalon ko ay bumitaw siya at hindi sumabay sa pagtalon ko. Nakarating na ko sa ilalim ng pool at instinct na lang na lumangoy ako pataas upang hindi malunod. Paglitaw ko sa ibabaw ng tubig ako ay natuwa dahil nagawa kong makalangoy at kinaya kong harapin ang takot ko noon.

9. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa bakuran ng aming biskleta na may sidecar. Ako at ang Diko ko ang nakasakay sa biskleta, siya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero. Nakita kami ng Kuya naming at dahil gusto nya din sumakay ay pinapara nya kami noon. Dahil sa may paikot sa bakuran namin ay dinadaan-daanan lang namin siya at nilolokong hindi naming siya papasakayin. Habang umiikot ay bumibilis ang takbo namin kahit na paliko kami. Hanggang sa pagliko namin uli, sa bilis nito ay tumaob ay bisikleta namin. Humagis kaming dalawa ng kapatid ko. Ako ay lumipad ng parang si Superman paharap at naglanding face first sa semento at nagkaron ng malaking gasgas ang mukha ko, habang ang Diko ko ay konting gasgas lang ang tinamo dahil lumanding siya sa may batuhan.

10. Noong nasa 1st year college pa lang ako sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) ay nagkaron ng bagyo. Subalit hindi pa rin kinakansela ng Gobyerno natin ang pasok ng mga estudyante, maliban na lamang sa Elementary at Highschool. Ang huling klase namin nung araw na yun ay hanggang 9PM inabot na kami ng gabi sa eskwelahan. Dahil na rin sa sobrang gabi na at umuulan pa, hirap na hirap kami ng mga ka-block ko na makasakay at wala pang payong ang karamihan sa amin. Dahil basa na rin kami at walang masakyan, naglakad kami mula sa school papuntang Lawton baka sakaling may masakyan kami. Baha ang daan papunta doon, sa harap ng National Museum hanggang sa harap ng City Hall. Nang wala pa rin kaming masakyan at lumalalim na masyado ang gabi ay napag-isipan na lang naming maglakad pa-uwi dahil nakita namin marami kaming makakasabay. Ang bahay naming lahat ay papunta north kaya habang papalapit na sa Monumento sa Caloocan ay pakonti na ng pakonti kami hanggang sa ako na lang mag-isa ang naglalakad pagkalagpas naming ng Batangas St. sa may Blumentrit. Nakasakay na ko sa may Abad Santos ng jeep kaso hanggang Monumento lang yun. Pagdating ko ng Monumento ay wala nanamang jeep, nilakad ko papuntang Tulay ng Tulyahan at nakita ko daming sasakyan ang hindi gumagalaw. Pagdating ko sa may tulay ay akalain mong sobrang taas ng tubig at lubog na ang tao pati ang mga bus hindi makatawid. Naisipan kong bumalik at maglakad uli pabalik sa kabilang daan na sobrang layo. Sa bwenas ko may nakita akong mga tao na sumakay sa likod ng Elf na Truck papunta daw siyang Sangandaan Caloocan at malapit na yun sa may amin. Hanggang umabot na pala siya mismo sa lugar namin. Nakarating na ko sa bahay namin noon ng bandang 1AM. Akalain mo nalakad ko ang ¾ ng way mula sa Intramuros hanggang Valenzuela.

Ayan, hulaan nyo na lang kung alin dyan ang totoo at hindi. Tignan ko nga kung sinu makakakuha ng tamang sagot. Hehehe.

Thursday, January 22, 2009

Gandang Nakaka-LagLag

Normal para sa isang lalaki ang mapatingin o mapalingon kapag nakakakita ng maganda at sexy na babae. Minsan ay parang mababali pa ang leeg sa kakalingon. May mga napapatitig pa talaga.

Habang nag-aantay ako sa The Fort sa aking kapatid upang makauwi ay may dumaang magandang babae sa harap ko. Maputi, chinita at naka dress pa siya. Dahil sa ako'y napahanga sa kanyang beauty ay napatingin ako at napasunod ng tingin.

May bitbit siyang box ng cake, bag at plastic bag habang naglalakad. Patawid na sana siya ng kalsada ng matapilok siya sa aking harapan. Ako ay na-shock (nanlalaki ang mga mata...joke) na makita siyang napaupo sa kalsada. Sa gulat hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siya o hindi na. Siguro hinihintay kong sabihin niyang "Oh! Kaya nyo yun!", ahahaha.

Ang nangyari ay, lalapit na sana ako upang maging Knight and Shining Armor (may ganun!) ng tumayo na siya sa pagkakadapa niya. Tingin ko nagpapapampam lang yun sakin eh... ahehehe...
At siya'y dere-deretsong naglakad palayo, siguro nasa isip nya "Anu ba yan dyahe naman nadapa pa ako, nasira tuloy yung cake na bagong bili ko".... ahahaha, yun pala ang iniintindi nya...

Kaya yung mga pa-beauty dyan hindi kayo ligtas sa mga ganitong pangyayari. Siguraduhin lang na poised pa rin kayo kapag nangyari ito. Sabay kaway na parang beauty queen. lolz...

Thursday, January 8, 2009

Your so Wide

Matagal ko na kong nagpaplanong bumili ng sarili kong computer at sa taong 2008, sa buwan ng December at sa petsa ng 27 ay natupad na ito.

Nung una ay nahirapan akong mag-isip kung Desktop o Laptop ang bibilin ko. Naiinggit kasi ako nung una sa mga kaibigan kong naka-laptop pero kailangang maging mautak. Dahil sa mahilig din ako sa games ako sa mga anime movies, sa huli ay napag-isipan ko na Desktop na lang aking bibilin.

Eto nga pala yung Desktop na nabili ko. A reward for myself, for my hardwork and after loosing 3 cellphones in 20008. hehehe.



Just to share and magyabang ng konti, eto ang specs ng PC ko para sa medyo mga techie na tao. Hehehe.

Athlon64 X2 6000 Processor
Kingston 2GB PC800 DDR2
Samsung 500GB SATA, Hard disk
INNO3D 8500GT 1GB, Video Card

And my pride for this PC, Samsung T190 LCD Black Glossy na 19" wide. Nung una dapat 17" lang kukunin ko pero ang mura lang kaya eto siya ngayon.

Sana sa tulong nito ay mas makapag-post na ko ng mas madalas. hehehe.

Happy New Year sa Lahat...

Saturday, December 6, 2008

Sunod-sunod na Sorpresa

Pano mo nga ba sosorpresahin ang isang taong minamahal mo?? Lalo na at nabigyan ka na nya ng isang malupit sorpresa dati…

Sa dami na ng mga gimik ng karamihan upang sorpresahin ang mga mahal nila sa buhay ay ang hirap ng makaisip ng paraan pa na kakaiba upang manorpresa pa… Kung kaya’t nung ako naman ang manonorpresa ay hinayaan ko na lang biglaang magbigay nito ng wala halos na paghahanda (go with the flow) upang mas maging maganda ang sorpresa ko…Humingi din pala ako ng payo sa isang kaibigan at malupit na blogger na si Leyn sa kanyang blog at kahit papano ay nakatulong ito sa aking mga plano… Salamat nga rin pala sa mga kaibigan kong Greenies na nagpadala ng kanilang mga suhestiyon…

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinabihan ako ng kaibigan kong si Greenpinoy tungkol sa isang promotion ng kanilang cliente sa Toblerone (salamat nga pala dito parekoy!). Magpapadala ka lamang daw ng isang video ng sarili mo na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa isang tao kung kaya’t ako ay nagpadala ng aking video…

At eto ang video na yun na nagging unang sorpresa ko sa kanya… Nakakahiya man pero pagpasensyahan nyo na... hehehe...



Pinalabas nga pala ang video na ito sa Bonifacio High Street sa The Fort at sa Greenbelt 3 nung Nov. 21, 2008. At nakasama ko ang ilang mga Greenies gaya nila Lethalverses, Cyber Lola, Xman, Kuletz at Ayzprincess.


At nang mag-overnight ang Mahal ko at ang kanyang pamilya sa Hyatt Hotel sa Malate, Manila upang ipagdiwang ang kanyang kaawaran ay nakaisip ako ng isang magandang sorpresa pero hindi naman bago… Hindi nga pala ako nakasama dito dahil Quality Time nya yun sa pamilya nya at may trabaho kasi ako kung kayat naisipan ko na lang na magpadala ng Bulaklak sa kanilang room… Subalit sa hindi nanamang inaasahang pagkakataon, nang dalin ng nagdedeliver ang bulaklak ay nasa restaurant pa pala sila at kumakain kung kayat iniwan ang bulaklak sa Concierge ng hotel… Nang makarating na sila sa kwarto nila ay tinawagan ang Mahal ko at sinabing may bulaklak daw siya sa baba… Inakala naman ng Mahal ko na galling ito sa hotel mismo at natuwa naman daw siya ng malaman niyang galing ito sa akin…


Naging challenge sa akin ang pangatlo kong sorpresa dahil sa binigyan ako ng Mahal ko ng isang malupit na Christmas gift (advanced daw) na iPod Touch… Syet!! Thank you talaga Mahal Ko… Ngayon ay hindi ko alam kung magugustuhan niya ang regalo ko na pinaghandaan ko rin talaga kahit papano…

Isang bagong relo na kasama sa kanyang wishlist na binigay niya sa akin, kung eto ang aking naging regalo sa kanyang kaarawan…

Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa Batangas na dalawa para sa aming Quality Time naman na dalawa… Gusto kong maging kakaiba ang kanyang bday at bigyan siya ng kakaibang experience kung kaya’t nagpunta kami sa Lago de Oro sa Calatagan Batangas kung saan sikat ang lugar na ito sa Wake Boarding…



Para sa akin ay kakaibang experience din ito at Masaya pero sige aaminin ko, tinalo nya ako pagdating sa wake boarding dahil naka-dalawang turn siya subalit ako ay hanggang isa lang…




Matapos sa Batangas ay umuwi na kami pero dumaan muna kami sa Tagaytay upang kumain ng hapunan sa Leslie’s dahil sa hindi pa siya nakakain dito at isa ito sa mga gusto nyang subukan kainan…



At nagkape sa Starbucks para sa dalawang natitirang sticker para sa kanyang Starbucks 2009 Planner...





At isa pang sorpresa ko sa kanya ay aking bagong hair style na kahit hindi ganun kayos tignan sa trabaho ay ginawa ko pa rin dahil uli sa kanyang hiling…

Ano naman kaya gagawin ko sa susunod…

Friday, November 28, 2008

Ngiti Lang Lagi

Grabe eto nanaman tayo, mapipilitan nanaman akong mag-gawa ng post ko. Ok lang din kasi wala pa rin update itong site ko. Hehehe.

Pero Pam, anu ba naman to 10? Mukhang mahihirapan ako nito ah! Ok eto na nga.

Sampung Pinagmumulan ng Ngiti

1. Syempre ang makita at makasama at Mahal ko sa buhay, ang aking GF na nasa Singapore. At masayang masaya ako kapag umuuwi siya dito o kapag pinupuntahan ko siya dun. Masaya talagang makita at makasama ang Mahal mo sa buhay.


2. Dati Masaya talaga ako kapag namamasyal kami ng pamilya naming kung saan-saang lugar sa Pinas. Bonding time namin yun eh, dito lang kami hindi nag-aaway away magkakapatid eh. Minsan meron pa rin. Hehehe.


3. Ang isa pa sa pinaka nagpapangiti sakin ay kapag may mga bagong bagay akong natutuklasan o mga bagong lugar na napupuntahan. Hindi nga lang kita sa mga mukha ko ang ngiti pero eto ay ramdam ko sa kaloob-looban ng akin pusa. Hehehe.


4. Masarap na pagkain ay laging nagdadala ng mga ngiti sa aking mga labi. Syempre ba naman masarap na busog ka pa.


5. Makita muli ang mga kaibigan o mga kamag-anak na matagal mo ng hindi nakikita. Kay sarap balikan ang mga alaala nung madalas pa kayong magkakasama at nagkukulitan.


6. Makitang ngumiti ang ibang tao, kay sarap damayan at makihati sa ligayang kanilang nararamdaman din. Mas gusto kong nakikita ang mga ngiti ng mga matatanda (lalo na ang mga Lola) at mga baby, dahil mas mapapangiti kapag nakita mo silang ngumingiti.


7. Ang makatanggap ng regalo ay talagang nagpapangiti sakin kahit hindi rin ganun kaganda o kamahal ang bigay sakin. Pero syempre iba pa rin kung bigyan ako ng kotse, laptop, PS3 at Bahay, ayan todo ngiti talaga ako nyan. Hehehe.


8. Gustong gusto ko rin ang nakakapag-pasaya ng ibang tao, dahil ito ang ngiti sa aking puso na hindi kayang matawaran ng kahit na ano. Kapag nakakakita kasi ako ng taong malungkot at kung gusto niyang ibahagi ang kanyang mga saloobin, ako naman ay handang makinig sa kanya at pasiyahin siya sa abot ng aking makakaya.


9. Ang magawa ang mga gusto at mga pangarap ko sa buhay ay tiyak na magbibigay ng napakalaking ngiti sa aking mukha. Kung nakapasa lang sana ako sa UPCAT ay sobrang saya ko na, kaso hindi eh. Hehehe. Pero masaya na rin ako dahil maganda pa rin yung school ko nung college at nagging DL pa ko. Hehehe, lakas ng chamba ko.


10. Ibang ngiti din kapag may nakuha ka o natanggap na hindi mo inaasahan talaga. Masarap ang masorpresa dahil alam mong pinaghirapan nila yun gawin talaga para sayo.

Ngayon, alamin naman natin kung ano ang nagpapangiti kila.

Sunday, November 16, 2008

Tatlong Kababalaghan Tungkol Sa Akin

Dahil sa may nag-tag nanaman sakin na si yanah, mapipilitan uli ako na magsulat. Inaamag na daw blog ko sabi ni princesscha, churi naman poh naging busy lang sa work.

1. Mahilig akong Dumighay >> sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay lagi na lang ako dighay ng dighay. Kahit hindi pa ko kumakain ay napapadighay na ko at kahit nasa kalagitnaan ng pagkain napapadighay na ko. Pero hindi pa naman ako busog kahit na madighay ako. At kayak o rin dumighay ng kusa at paulit-ulit. Talent ko nga ata toh eh.


2. Kaya kong kumain ng sinigang (baboy, hipon o bangus) na may kasamang hotdog at itlog o cornedbeef >> ganyan siguro talaga kapag matakaw ka.

3. Malakas bumahing >> kapag bumahing ako kala mo sasama na pati utak ko at lamang loob. At kadalasan ang bahing ko ay hindi lang isang beses ang record ko ay pito (7) na sunod-sunod na bahing.

Weird nga ba tong mga bagay na to, para sakin normal lang to eh. Kung kayat wag na lang kayo magugulat o magtaka kapag nakita nyo kong ganyan. Hehehe.

Friday, November 7, 2008

NDE - continuation

Dahil sa nabasa ko yung post ni princesscha tungkol sa paglunok niya ng piso nung bata pa siya ay bigla kong naalala yung sa akin kung saan may nalunok din ako.

Siguro nasa 8 or 9 na taong gulang ako nun, napadalaw ako nun sa bahay ng aking mga pinsan sa Ugong Valenzuela. Ang mga tito at tita ko ay nag-ayang mamasyal sa mall na hindi ko na maalala kung saan man yun. Masaya kaming nag-iikot at namimili, ang mga pinsan ko (mas matanda nga pala ako sa mga pinsan kong iyon) ay panay ang turo sa mga kung anu-anong pagkain upang ipabili sa tita ko. Dahil sa hindi naman nila ako anak, syempre kahit gusto kong magturo ay nahihiya naman ako, sabi pa nga ng tita ko "tignan nyo si Kuya Axel nyo ang bait hindi nagtuturo ng kung anu-ano". Duhhh!! Syempre shy aku eh. hehehe.

Matapos ang aming pamimili ay umalis na kami at umuwi. Habang nasa daan ay nagutom na kami (dahil gabi na nung oras na yun), tinanong ng tita ko kung saan namin gusto kumain, dahil sa batang Jollibee (Chroneicon bida ka sa kwento kong ito) ako ay yun ang sinabi naming kainan. Naisip na lang ng mga tito at tita ko na mag-drive thru na lang para mabilis ang biyahe dahil sa gabi na at ihahatid pa nila ako pauwi. Habang nasa biyahe pauwi at kinakain na namin ang aming chicken joy ay nakikipagkulitan ako sa mga pinsan ko. Kunwari ay tulog ako pero kumakain pa rin ako nung chicken ko at tuwang-tuwa naman sila sakin. Patuloy ko yung ginawa hanggang sa malapit ko ng maubos ang chicken joy ko nun ng bigla akong hindi makahinga. Ako ay nagtatalon-talon sa loob ng sasakyan at hawak-hawak ang aking lalamunan habang pinipilit kong makahinga subalit ako ay bigo. Ang mga pinsan ko sa likod ay natatakot na at silay sumisigaw na sa tito at tita ko ng mapansin na nga nila na may nangyayari nang hindi maganda sa akin. Pilit nila akong tinatanong kung anu problema sa akin, dahil sa hindi na ko makahinga ay hindi rin ako makapagsalita dahil walang hangin ang lumalabas sa bibig ko. Natataranta na rin ang tito at tita ko ng maisipan nilang huminto sa tabi at bigyan ako ng isang bote ng tubig, ito ay aking nilagok at hindi ko mainum at naisuka ko lamang. Hindi na ko makapag-isip ng maayos at siguro ilang segundo na lang ay tuluyan na kong mawawalan ng hininga ng ulitin kong uminum ng tubig mula sa bote. Sa laking galak ko ay lumuwang na aking paghinga. Matapos ang pangyayaring iyon ay pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na talaga ako.

Matapos ang lahat ay dumeretso na kami at inihatid nila ako pauwi ng bahay ko. Pagdating namin sa bahay ay nakitang andun pala ang aking Lolo at Ninong na isang doctor. Kinuwento ng aking tita ang nangyari at agad namang tinignan ng Lolo ko ang aking lalamunan at nakita niyang merong nakabarang buto ng manok sa aking lalamunan kung kaya't nahirapan akong huminga noong panahong iyon. Sinabihan na lamang akong kumain ng prutas upang maitulak ito pababa. Matapos nun ay wala na kong nararamdamang kakaiba sa aking lalamunan.

Hindi pa diyan natatapos ang aking kalbaryo.

Nang maayos na aking pakiramdam ay pagdating ng lunes at akoy pumasok sa eskwelahan at parang normal lang ang lahat sa akin ay tuloy lang naman ang aking aktibong paglalaro. Alam naman natin na ang mga bata kapag nakarinig ng bell ng recess ay nagtatakbuhan palabas, lalo na kami dahil unahan sa tindahan upang makabili ng pagkain namin. Nang tumunog na ang bell ng recess ay agad kaming nagtakbuhan at ng medyo nakakalayo na ko sa class room namin (mga 20 meters na ata yun) ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paghinga ko muli. Ang naisip ko agad sa mga panahong iyon ay bumalik ng class room dahil (isa akong henyo) parang ganito rin yung pakiramdam ko nung hindi ako makahinga nung isang gabi. Hindi nga ako nagkamali at habang dahan-dahan akong naglalakad pabalik ay hindi uli ako makahinga (parang may asthma o hika) at bigla na kong tumakbo paloob upang kunin ang aking water jug. Uminum ako ng tubig at naisuka ko lang uli gaya nung una, subalit inulit ko na lang hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan ay nasa loob pa pala ang aming guro at nakita niya akong hinahabol ko ang aking hininga. Agad niya ako pinasamahan sa isa kong classmate (na hindi ko na maalala kung sinu) sa school clinic dahil inakala niya na dahil sa nalipasan lang ako ng gutom. Pagdating ko sa clinic ang yun din ang akala nila kung kayat ay ikinuha nila ako ng lugaw (yes! libreng food) at pinakain sakin hanggang sa dumating ang aking sundo. Tumawag na pala sila sa bahay at pinasundo na ko (yes! uli) at akoy nakauwi na nung maayos na aking pakiramdam.

Talagang naging mapalad ako nung edad kong ito at nagpapasalamat ako kay Lord dahil dalawang beses ba namang muntik ng ma-dedbol ay nakakaligtas pa rin ako. Lesson, wag kakain ng chicken ng nakapikit. lolz!!

Thursday, November 6, 2008

NDE

Dahil sa tinag ako ni Lethalverses ay wala akong choice kung hindi ang gumawa rin post. Sa totoo lang, hindi ko na maalala yung mga Near Death Experiences (NDE) ko at kung meron man siguro o kung NDE nga yun na maituturing.

Dahil nga sa hindi ko na rin masyadong maalala ang mga bagay na yun ay magiging maigsi lang siguro ang aking kwento. Hindi ko na maidetalye pa ng husto gaya ng ginawa ni Lethalverses.

**********

Pagkakaalala ko nasa 6 hanggang 8 taon na gulang na siguro ako nun. Naglalaro kami ng aking kapatid na lalake sa aming bakuran ng kung anu-ano, maghahabulan at maghaharutan. Dahil sa may nakita kaming mga sanga o tangkay ng puno ng manga ay bigla kaming nakaisip na paglaruan iyon.

Kung naalala nyo pa ang cartoon show dati sa TV (na hindi ko na maalala ang title) na panahon ng mga dinosaurs at may mga taong sumasakay dito na para lamang sasakyan o mga tangke ang mga ito. Magtataka ka nga siguro kung futuristic ang show or makaluma dahil may mga laser guns at canons na sandatang nakakabit sa mga dinosaurs na ito.

Going back sa aking kwento.

Ayun nga, naisip namin na magpanggap na mga dinosaurs gamit ang mga tangkay o sanga na para bang mga kamay o galamay ito. Todo kami sa paglalaro ng aking kapatid, at syempre dahil mas matanda siya sakin unti-unti nya akong natatalo (nagpapatalo talaga ako nun) sa parang laban naming dalawa. Ako’y paatras na naglalakad nun ng hindi ko namalayan na may bata pala akong naapakan at dumulas ang paa ko. Sa dahilang iyon ay napatalikod akong bumagsak sa isang batong upuan ng bakuran naming at tumama ang akin ulo dito ng malakas. Pano ko nalamang malakas, dahil sa nagkaron ng malaking sugat sa ulo ko.

Sa hindi paraang hindi ko mapaliwanag ay, wala akong naalalang umiyak (syempre strong ako eh) aku nun. Dinala ako sa isang clinic na hindi ko maalala kung saan at tinahi ang sugat ko sa may likod ng ulo ko.

Sa ganoong paraan masasabi ko na swerte pa rin ako na hindi talagang nabagok ang ulo ko dahil kanto ng semento yung pinagbagsakan ko.

**********

Dahil sa ako ay marunong magmaneho at nagmamaneho din ay siguradong hindi ako malayo sa disgrasya, alam din siguro ito ng kahit na sinung nagmamaneho dyan. Kahit na gano ka kagaling magmaneho o ka-ingat magmaneho, ang aksidente ay naghihintay lang na maganap.

Ako ay nasa kolehiyo pa ng mga panahong iyon siguro nasa 3rd year college na ata ako. Kami ay may subject na Philosophy kung saan ay meron kaming napaka bait na propesor. Dahil sa nalalapit na ang final exams naming, naisip nyan gawing kakaiba ang finals na ibibigay niya sa amin. Sa halip na magbigay ng isang test na aming sasagutan ay mag-outing na lang daw kami sa Pansol Laguna, at kumuha ng private resort para sa block lang namin at dun magkaron na lang ng parang oral exam (hindi yung bastos ah). Syempre share-share naman kami dun. Lahat ay natuwa at pumayag sa kanyang ideya.

Dahil sa sobrang excited ng mga tropa ko nung college ay naisipan naming mag-overnight doon sa resort kahit na half-day lang ang napag-usapan. Binayaran na lang naming yung kulang para makapag-overnight kami.

Ako ay nagdala ng sasakyan (van) para sa tropa naming nasa 7, nagkita kami sa school ng mga banding tanghali at nagtungo na kami sa Pansol Laguna. Nang makarating na kami sa private resort ay agad naming kaming nakasiyahan, nagkantahan (may videoke kasi, kaso maghulog ka pa ng 5 pesos) at nagsimula na ng inuman. Kami ay nagkasiyahan hanggang mag-umaga at wala ni isa sa amin ang natulog hanggang sa dumating pa nung umaga yung iba pa naming mga ka-block sa resort. Mayamaya naman ay dumating na aming propesor at sinumalan ang oral exam (uulitin ko, hindi yung bastos) at ng matapos na lahat ay tuloy ang kasiyahan ng lahat. Dahil sa maloko din ang propesor naming ay may dala pala siyang hard na alak upang pagsaluhan naming mga umiinum. Kahit na nakarami na kami ng inum nung gabi ay inum pa rin kami hanggang sa abutin uli kami ng gabi sa resort.

Matapos ang lahat ng kasiyahan ay panahon na upang umuwi na lahat. Dahil sa walang marunong magmaneho sa mga tropa ko at akin ang sasakyan, syempre ako uli ang magmamaneho pauwi. Kahit na marami akong nainum ay hindi naman ako nalasing at pakiramdam ko kaya ko pang magmaneho kaya tumuloy na kami sa byahe namin. Nang makarating na kami sa SLEX (South Luzon Expressway) ay dun ko na naramdaman ang pagod at puyat na ginawa namin. Nagsisimula na kong antukin at magpapikitpikit ang aking mga mata. Nung una ay gising pa ang mga pasahero ko sa likod pero kinalaunan ay mga nakatulog din ang mga mokon, buti na lang ay hindi ako tinulugan ng dalawa kong katabing tropa na babae sa harap at ng isa ko pang tropang lalake sa likod. Pilit nila akong inaaliw para lang hindi ako makatulog, magpipicture kami, iinum ako ng tubig, ngunguya ng bubble gum, hihilamusan ang mukha ko ng tubig at kung anu-ano pa. Sa awa ng diyos ay nasa may Taft na kami, hindi ko na nga lang maalala kung saan banda yun. Syempre andun na ang mga stop light at mga jeep na bigla na lang tumitigil sa gitna ng kalsada. Mga banding alas-onse na ata yun habang binabaybay naming ang Taft ay napapikit ako at naka-idlip, buti na lang ay tinapik ako ng katabi kong tropa nun at pagmulat ng mata ko ay naka-red ang stoplight at nakahinto na ang jeep sa unahan naming at bigla kong inapakan ang preno *insert sound of breaks*. Ako ay nahimasmasan at pagtingin ko ay 1-inch na lang ay babangga na kami sa jeep na nasa unahan namin.

Masasabi kong swerte pa rin talaga ako at mga katropa ko. Ibig sabihin NDE naming lahat yung pangyayaring iyon. Ang masasabi ko lang din ay natuto na ko mula noon na dapat magtira ng pang-uwi lalo na kung magmamaneho ka at wag iinum ng marami kung hindi na kaya hindi na ko magpupuyat ng walang tulog ng dalawang araw. Grabe hirap pala nun.

**********

Dalawang kwento na lang siguro ang aking ibabahagi para dito sa entry na ito. Lethalverses pasensya kung natagalan at medyo nagging busy lang ako. At dahil gaya ng sabi ni Pampoy, na-tag na ata nila lahat ng greenies ay dun na lang ako sa mga bagong greenies na may mga bagong blog site na.


Princesscha
Toyz

Thursday, October 9, 2008

Buhay MRT

Buhay MRT ay sadyang napakasaklap at napaka hirap. Araw-araw na pagsakay ay parang isang kalbaryo na puno ng pagsubok.
Sa mga taong madalas sumakay ng mga pampublikong sasakyan, ang MRT o Metro Rail Transit and pinaka-kumbinyenteng sakyan. Lalo na sa mga taong bumabaybay ng EDSA papuntang trabaho (sa Makati, Ortigas, Mandaluyong o Taguig).
Samu't saring mga tao ang maari mong makita at makasabay sa loob ng tren na ito. Samu't saring amoy din ang iyong malalanghap (mga anghit, pawis, mabahong hininga at utot). Minsan parang gusto mo na lang sumuka sa loob at ilabas ang kinain mong agahan.
Kung mapapansin mo din, napaka-dami ng mga taong sumasakay dito (tignan mo na lang ang litrato). Kuha ko yan mula sa taas ng estasyon ng North Ave. Station. Eto ang araw-araw na itsura sa station na to tuwing umaga at ang mga tao ay pumapasok sa kanikanilang mga trabaho.
Dahil sa naka-raang insidente na rin ng pambobomba, tinawag na Rizal Day Bombing, ang seguridad ay pinhigpit na rin.
Dahil na rin sa mga insidente at pagrereklamo ng mga babae na sila ay nahaharas ng mga lalake sa loob ng tren ay ginawan sila ng kanilang sariling couch o sariling bahagi ng tren para sa mga babae. Aba naman, sa dami ba naman ng mga taong sumasakay ay napaka reklamador nyo ah! Karamihan naman sa inyo ay walang "K" para naman maharas noh! Ngayon nga ay kahit may sarili na kayong mga puwesto sumisiksik pa rin kayo sa lugar ng mga lalake. Hindi kaya yun yung mga babae na gustong magpaharas. hehehe.
Meron na rin mga insidente na may nananakawan ng mga gamit pag-akyat ng estasyon, sa labas ng estasyon at pati sa loob na rin ng tren. Akalain mo nga naman ang kapal ng mga mukha ng mga tao ngayon. Ginagawa nila ito habang nagsisiksikan sa loob at labas ng tren.
At dahil na rin sa siksikan sa loob ng tren marami na rin mga tao ang nag-aaway dahil dito. Lalo na ang mga lalake na masagi lang ng iba ay maghahamon na ng suntukan. Aba, nasa pampubliko kayong sasakyan kaya wag kayong masyadong mareklamo daig nyo pa mga babae ah! Meron din nag-aaway dahil sa pagsasabihan ng kapwa na umusog ka at maluwang pa sa kabila, syempre mga lalake nanaman ang mag-aaway. Merong matatapang talaga at merong mga nagtatapang-tapangan lang. Hahaha!!! Pussy Dick!!! lolz.
Eto lang naman ang mga iilan sa mga kalbaryo ng mga taong sumasakay ng MRT araw-araw. Kung kayo ay nagbabalak na sumasakay ay ihanda nyo na mga sarili nyo sa mga ganitong pangyayari at normal na yan.

Tuesday, October 7, 2008

Hugas Kamay

Kasama ko ang barkada sa isang kilalang coffee shop, upang magkape (syempre naman, alangan namang mag-inuman) at magkwentuhan na rin habang hinihintay ang kanyang nililigawang babae. Pero hindi naman yun ang kwento ko.


Dahil sa dami ng kape na aking nainum (White Mocha Frap Blended in Coffee nga pala order ko), ako ay nagpunta sa Restroom upang, you know, make "wiwi" and everything. Pagkatpos kong mag-wiwi syempre maghuhugas ng kamay (kadiri yung mga hindi nag-huhugas ah!), nang makita ko ang isang karatula nila, isang gabay sa paglilinis ng kamay para sa mga crew nila.

Para sa mga hindi makabasa eto ang steps:

1. Wet > basain ang kamay (pwede rin ang paa at mukha mo kung gusto mo lang, o baka naman gusto mo ng maligo nyan.

2. Soap > lagyan ng sabon ang kamay (oh! baka naman ipang-ligo mo nanaman at mag-hilod ka pa ah!)

3. Wash for 30 sec. > hugasan ng mabuti sa loob ng tatlumpung segundo (pwede rin 5 sec. lang kung gusto mo, pero kung tumae ka, tagalan mo naman... eeewwww!!!)

4. Rinse > banlawan ang kamay (kamay ha!! baka naman labahin ang banlawan mo dyan...)

5. Dry > patuyuin ang kamay (ang kamay uli at hindi ang labahin)
6. Turn off water > patayin ang tubig (baka naman iliteral mo at saksakin mo yung tubig ah)
Pero ang napansin ko talaga dito ay, sa huli mo pa pala kailangang patayin ang tubig... WTF!! Paghuhugas ba ng kamay ang steps na to o pag-aaksaya ng tubig... tsk tsk!! Kung sinu man ang gumawa nito ay malamang malaki ang bill lagi ng tubig sa bahay...

Madalas din siguro siyang maghugas kamay (figuratively ang literally)... lolz...