Ayos meron na akong maisusulat na bago sa blog ko dahil sa tag ni lethalverses. Dahil interesting ang rules nitong tag na ito syempre ako din. Sa sampung (10) kwento, siyam (9) lang ang totoo dito, ang ibig sabihin nun ay hindi totoo ang isa (1) dito. Tama ba ko??
Sige na nga, eto umpisahan na natin…
1. Dahil sa nanggaling ako sa all-boys school nung high school ako (meron namang babae, mga 15 out-of 200 boys), hindi ako nasanay makipag-interact masyado sa mga kababaihan. At sa kadahilanang ito ay nung pagpasok ng college ay dumami na ang mga kaibigan kong babae. Simula noon ay nabansagan akong babaero, dahil dito ang kasalukuyang Girlfriend ko ay ang kauna-unahan kong Girlfriend sa tanang buhay ko.
2. Dahil na rin sa karamihan ng mga CR ngayon ay may bayad na (link). Naglalakbay kami noon ng aking ama at ilang mga kaibigan niya papuntang Batangas ng makaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Tinanong ko ang aking amain.
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Oo, malapit na tayo”
Dahil nga sa hirap ng aking nararamdaman ako ay muling nagtanong,
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Malapit na tayo, bakit?”
Ako: “Natatae na po kasi ako eh”
Ama: “Tiisin mo na lang muna, malapit na tayo”
Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kaibigan ng aking ama na ako’y namumutla na.
Kaibigan ng
Ama: “Oh! Lex, bakit parang namumutla ka ata. Ayos ka lang ba?”
Ako: “Natatae na po ko eh, hindi ko na mabigilan”
Dahil sa walang malapit na estabisimento sa lugar at puro bukirin at mga talahiban, napilitan akong tumae na lamang sa likod ng isang talahib (insert song, *sa bukid walang papel*).
3. Minsan na akong lumabas sa TV (nakita sa TV), sa isang hindi naman kilalang palabas. Naglalakad lamang kami ng mga tropa ko nung college sa loob ng university, nagshoot pala sila Richard Gutierrez, Chyna Hortaleza at Glyza de Castro. Nakita kami ng mga staff nila at inanyayaan kaming maging extra para sa shoot nila.
4. Relihiyoso ang aming pamilya, kung kaya’t may kaalaman din ako sa maraming mga dasal, novena at mga kaugalian sa aming relihiyon. Dahil sa may chapel sa seminaryo sa may likuran ng aming bahay, ay doon na rin kami nagsisimba tuwing linggo. Naging kaibigan namin ang mga pare doon at mga seminarista kung kaya’t ay inanyayahan nila ako kasama ng ilang mga kaibigan upang maglingkot sa panginoon. Simula noon, tuwing linggo kami na ng mga kaibigan ko ang naging mga Sakristan sa chapel na iyon.
5. Noong highschool pa lamang kami ay usong-uso pa noon ang Eraserheads, Parokya ni Edgar at Oasis. Dahil dito ay ang daming nagsulputang mga banda sa school namin, nagbuo sila ng kani-kanilang mga banda. Papalapit na ang pasko noon ng magkaron kami ng event sa school, “Battle of the bands”. Dahil nakahiligan ko na rin ang musika ay sinubukan namin ng mga kaibigan kong bumuo na rin banda. Sumali kami sa Battle of the Bands na yun at kahit hindi man kami nanalo ng First Place ay naging Third Placer naman kami.
6. May pupuntahang party ang aking ama noon, at dahil sa gabi na nagpasama sakin ang aking ama (in other words driver ako). Dahil sa puro mga kumpare nya yung mga andun at wala naman akong kakilala dun ay napag-isipan ko na lang na magpaiwan sa sasakyan para magsound trip na lang ako. Ako ay nakaramdam ng pagtawag ng inang kalikasan at dahil nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay dun sa party ay naghanap na lamang ako ng medyo madilim na lugar upang ilabas ang aking nararamdaman. May nakita akong madilim na sulok at dun ako nagtungo ng palapit na ako sa sulok ay biglang lumusot ang kanang paa ko. May butas pala dun ng kanal at nabasa ang aking pantaloon hanggang tuhod. Umuwi tuloy akong nangangamoy sa sasakyan.
7. Noong bata pa ko ay meron din naman akong kakulitan sa katawan ko. Nasa edad na 5 hanggang 7 siguro ako nun, may hinahanap akong gamit sa kwarto ko (na hindi ko na maalala kung ano) ngunit hindi ko makita. Naisip ko ng baka naiwan ko sa sasakyan namin nung sumakay ako, kung kayat ay naghalungkat ako sa loob ng sasakyan namin, ngunit hindi ko pa rin nakita. Subalit meron akong ibang nakita noon, isang MAC-10 (Ingram or USI) na baril. Dahil sa bata pa ko at hindi ko alam kung laruan ito o hindi ay kinuha ko to. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang boy namin at tinutok ang baril sa kanya, hindi siya nakakilos at namutla sa takot.
8. Ang best way pala para matutong lumangoy ay ang malunod ka. Nalaman ko ito nung mga 8 years old pa lang ako at pinasok kami ng aking mga kapatid sa isang school para matutong lumangoy. Sa simula tinuruan kami ng iba’t ibang strokes sa mababaw at ng nakita ng instructor naming na marunong na ang lahat ay sisimulan na bagong level ng swimming lessons namin. Lumipat na kami sa malalim na pool, nasa 10 talampakan ang lalim ng pool at syempre siguradong lulubog ako. Kailangan lang naming lumangoy papunta sa kabilang side ng pool. Medyo safe naman kasi sa gilid lang naman kami pinalalangoy at may nakahandang parang kalawit kung sakaling hindi naming kayanin ang makatawid. Ang mga kasamahan naming at ang dalawa kong kapatid na lalake ay nakatawid na at ako na lang ang hindi pa. Dahil sa takot ko sa lalim ng tubig ay hindi ako tumawid hanggang sa pilitin nila ako ngunit ako ay kumakapit sa fence ng pool area at umiiyak dahil ayokong tumalon sa pool na iyon. Ang aming instructor ay lumapit at sinabing, “kung natatakot ka, ok lang yun. Gusto mo ba sabay na lang tayong tatalon sa tubig?” “Sige, kapit tayo ng kamay at pagbilang ko ng tatlo sabay tayong lulundag ah.” Pagbilang nya ng tatlo ay tumalon na ako, ngunit ng pagtalon ko ay bumitaw siya at hindi sumabay sa pagtalon ko. Nakarating na ko sa ilalim ng pool at instinct na lang na lumangoy ako pataas upang hindi malunod. Paglitaw ko sa ibabaw ng tubig ako ay natuwa dahil nagawa kong makalangoy at kinaya kong harapin ang takot ko noon.
9. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa bakuran ng aming biskleta na may sidecar. Ako at ang Diko ko ang nakasakay sa biskleta, siya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero. Nakita kami ng Kuya naming at dahil gusto nya din sumakay ay pinapara nya kami noon. Dahil sa may paikot sa bakuran namin ay dinadaan-daanan lang namin siya at nilolokong hindi naming siya papasakayin. Habang umiikot ay bumibilis ang takbo namin kahit na paliko kami. Hanggang sa pagliko namin uli, sa bilis nito ay tumaob ay bisikleta namin. Humagis kaming dalawa ng kapatid ko. Ako ay lumipad ng parang si Superman paharap at naglanding face first sa semento at nagkaron ng malaking gasgas ang mukha ko, habang ang Diko ko ay konting gasgas lang ang tinamo dahil lumanding siya sa may batuhan.
10. Noong nasa 1st year college pa lang ako sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) ay nagkaron ng bagyo. Subalit hindi pa rin kinakansela ng Gobyerno natin ang pasok ng mga estudyante, maliban na lamang sa Elementary at Highschool. Ang huling klase namin nung araw na yun ay hanggang 9PM inabot na kami ng gabi sa eskwelahan. Dahil na rin sa sobrang gabi na at umuulan pa, hirap na hirap kami ng mga ka-block ko na makasakay at wala pang payong ang karamihan sa amin. Dahil basa na rin kami at walang masakyan, naglakad kami mula sa school papuntang Lawton baka sakaling may masakyan kami. Baha ang daan papunta doon, sa harap ng National Museum hanggang sa harap ng City Hall. Nang wala pa rin kaming masakyan at lumalalim na masyado ang gabi ay napag-isipan na lang naming maglakad pa-uwi dahil nakita namin marami kaming makakasabay. Ang bahay naming lahat ay papunta north kaya habang papalapit na sa Monumento sa Caloocan ay pakonti na ng pakonti kami hanggang sa ako na lang mag-isa ang naglalakad pagkalagpas naming ng Batangas St. sa may Blumentrit. Nakasakay na ko sa may Abad Santos ng jeep kaso hanggang Monumento lang yun. Pagdating ko ng Monumento ay wala nanamang jeep, nilakad ko papuntang Tulay ng Tulyahan at nakita ko daming sasakyan ang hindi gumagalaw. Pagdating ko sa may tulay ay akalain mong sobrang taas ng tubig at lubog na ang tao pati ang mga bus hindi makatawid. Naisipan kong bumalik at maglakad uli pabalik sa kabilang daan na sobrang layo. Sa bwenas ko may nakita akong mga tao na sumakay sa likod ng Elf na Truck papunta daw siyang Sangandaan Caloocan at malapit na yun sa may amin. Hanggang umabot na pala siya mismo sa lugar namin. Nakarating na ko sa bahay namin noon ng bandang 1AM. Akalain mo nalakad ko ang ¾ ng way mula sa Intramuros hanggang Valenzuela.
Ayan, hulaan nyo na lang kung alin dyan ang totoo at hindi. Tignan ko nga kung sinu makakakuha ng tamang sagot. Hehehe.
after 2 years...
11 years ago