Wednesday, May 20, 2009

Who are the Angels and Demons??


Sa tingin ko naman ay halos lahat tayo ay naging familiar na sa librong ito ni Dan Brown... Kung hindi ay "shomod" ka na lang dyan... Anyway! Naging controbersyal din ang libro na ito dahil sa parang may mga mali daw na mensaheng pinaparating ang aklat na ito sa mga Katoliko... Kung kaya naman ay ang daming batikos ang inabot ng aklat na ito mula sa Simabahang Katoliko gaya ng isa pa nyang aklat na "The Da Vinci Code"...

Hindi nagustuhan umano ng Simabahang Katoliko ang ibang mga nilalaman ng aklat tungkol sa mga Conspiracy Theories at kung anu-ano pa...


Gaya ng Da Vinci Code na nagkaron ng Movie adaptation ay meron na ring Movie ang Angels and Demons na mas naunang aklat... Noong Linggo lang ay pinalad akong mapanood ang movie na ito dahil sa pangungunsensya sakin nila Chroneicon, Lethalverses at Damdam... Yung 10:30pm movie sana ang mapapanood namin at dahil may pasok ako kinabukasan ay medyo nahiya naman sila sakin, pero panay ang parinig sakin... Tae Kayo!!! Pero dahil gusto ko rin mapanood ito ay napalitan akong panoorin namin ang last full show na 11:30pm...


Yung mga nakapanood ng Da Vinci Code ay hindi daw nagandahan sa movie nito kumpara sa aklat, pero gaya ng ibang book to movies, mahirap nga namang iparehas talaga lahat... Kung kayat hindi ako sigurado kung maganda ang kalalabasan ng movie ng Angels and Demons... At dahil sa noon pa ay sinubukan kong basahin ang aklat na ito, may tatlong taon na ang nakakaraan ay sa kasipagan ko ay nasa Chapter 50 pa rin ako... Lolz!

Pero sa bahagi ng nabasa ko sa ipinalabas sa movie masasabi kong may mga konting changes lang sa story pero kung pagbabasihan ko ang pagkakagawa sa movie ay maganda siya... Walang boring na scenes sa kanya... Dahil sa mahilig ako sa mga mysteries ay nagustuhan ko kung pano ka papaisipin... Ang mga exciting scenes nito gaya ng mga habulan at pag-solve ng mga riddles "Path to Illumination" ayon kay Galileo nung sinaunang panahon... At ang pinaka mahirap na part sa lahat para sa akin ay hulaan kung sinu ang master mind ng lahat ng iyon...

Kung kaya't ang masasabi ko lang ay maganda talaga ang movie na ito at highly recommended ko na panoorin nyo... Kung Dan Brown fan ka man, wag mo na lang muna isipin kung paano siya naiba sa aklat, gamitin mo na lang ang imahinasyon mo kung pano binigyang buhay ni Director Ron Howard ang aklat sa kanyang pelikula...

Sa ibang aspeto naman ng istorya, masasabi kong mas naapreciate ko ang pagiging Kristiyano ko lalo ng mapanood ko ito... Dahil, mapapatunayan mo talaga na tao lang tayong lahat, may nagkakasala at mga nagkakamali maging anu man ang estado natin sa buhay o anuman ang ginagampanan natin sa ating mundo... Ang dapat ay tanggapin natin ang ating mga pagkakamali at matuto sa mga ito at simulang baguhin ang ating mga sarili...

Isa ko pang nagustuhan ay kahit na pinigilan ng Vatican na mag-film si Ron Howard sa Vatican ay naipakita niya ang kagandahan ng Vatican Rome... Remake lang ang set na ginawa nya upang maituloy lamang ang movie... Ngayon ay parang gusto kong isama sa listahan ng mga bansang pupuntahan ang Vatican Rome...

Sa movie lang na yun nakita kung gaano kaganda ang Vatican... Pagkakataon ko rin ito upang mas maramdaman ang aking pagiging Katoliko....

Saturday, May 16, 2009

Brothers Hotshot Burgers


Pauwi na kami ng kapatid ko galing work at kasusundo lang namin sa kanyang GF habang tinatahak namin ang Thomas Morato ay ginutom ang aking kapatid... Nag-ayang kumain... Nagpunta kami sa Brothers Burger at nang dumating kami ay Closed na pala sila dahil SOLD OUT na sila dahil sa kanila 50% OFF... Kaasar naman!!! Gustong gusto ko pa naman kumain sana ng burger nila... Maiinggit na lang kami sa mga kumakain doon...






Kami ngayon ay napilitang maghanap ng ibang kakainan... Sa JT na sana kami pupunta kaso puno at walang mapaparadahan ng sasakyan...

Huling hirit na namin sa Hotshots Burger...

Umorder ng burger ang kapatid ko at ang kanyang GF pero ako ay ang kanilang Fish & Chips with Hot Choco... Arte ko Hot Choco pa talaga... La lang trip ko lang eh...hehehe...

Hindi na rin masama ang lasa kaso medyo maliit lang ang Fish nito at hindi ko rin alam kung anung klaseng isda ang ginamit nila... Nagkakahalaga ng Php 195.00 ang Fish & Chips at ang Hot Choco ko naman ay Php 40.00

Panay nga ang reklamo namin kanina dahil ang mahal pala ng food, hindi siya reasonable price... Mas mahal pa siya sa Brothers Burger at mas gusto namin ang lasa ng Brothers Burger kumapara dito. Kung anu-ano tuloy ang iniisip namin na sana kumain na kami sa ganito, sa ganyan o sana dito na lang... ahahaha... Mga reklamador talaga...
In other words kuripot lang kaming lahat... hehehe...

At para makabawi sa presyo ng kanilang food, pinagdiskitahan ng kapatid ko yung Heinz Ketchup nila... Naubos ata namin yung isang maliit na bote nila... Ahahaha, makabawi man lang sa presyo... hehehe...



Sunday, April 19, 2009

Faith and Respect

Last March we had a Photo Contest about the Core Values of our Company "Brother International Philippines Corporation". There are 8 Groups in all which was given a Core Value that they will portray. The Core Values are:
  • Customer First
  • Faith and Respect to Others
  • Concern for Environment & Society
  • Quality Oriented/Results Driven
  • Innovativeness
  • Openness
  • Flexibility
  • Integrity
The Core Value that was given to us was "Faith and Respect"

In our group which was composed of 5 members including our General Manager, I volunteered to be the photographer since we weren't able to get any one to do it for us. I also picked on how we will do the photoshoot and this is our entry for the photo contest.



On the day that the winner will be picked, to our surprise our group is the First 1st Placer for the contest. To me as the one who conceptualized and took the picture for our group, I was so happy due to this achievement. I know some of you might not agree that my photo is not that great to have won, but for me winning this contest is my own achievement.

Special thanks to my groupmates, Isayama-san (General Manager), Glenn, Elen, Lheng and Carlo.

By the way this contest was judged by a third party, forgot his name but he is a graduate of UP Diliman, Cum Laude (BA Broadcasting Communication). He is a segment host/writer (Slipstream), Contirnuting Writer/Photographer (Manual Magazine), Talent & Business Manager (Gaby dela Merced), Special Events Coordinator (Honda Club of the Philippines) and Makerting Manager (Nissan Motors Phils. Inc.), now runs his own photography and events management business.

Just to share his comments about our shoot:

"This photo garnered and almost perfect score in all categories except for clarity of message and general aesthetic quality. It is apparent though that the subjects in the photo demonstrate "trust" and "respect" with each other. It is the most creative among the photos and it strikes the viewer as an impactful composition which even when blown up to poster size and imputted with words would still best represent your company's core values."

And we scored 95pts. for winning in this photo contest.

It's such a great feeling winning contests like this, I don't know if I would do photography more as a hobby or not.

Saturday, February 28, 2009

Sampung Kwento

Ayos meron na akong maisusulat na bago sa blog ko dahil sa tag ni lethalverses. Dahil interesting ang rules nitong tag na ito syempre ako din. Sa sampung (10) kwento, siyam (9) lang ang totoo dito, ang ibig sabihin nun ay hindi totoo ang isa (1) dito. Tama ba ko??
Sige na nga, eto umpisahan na natin…

1. Dahil sa nanggaling ako sa all-boys school nung high school ako (meron namang babae, mga 15 out-of 200 boys), hindi ako nasanay makipag-interact masyado sa mga kababaihan. At sa kadahilanang ito ay nung pagpasok ng college ay dumami na ang mga kaibigan kong babae. Simula noon ay nabansagan akong babaero, dahil dito ang kasalukuyang Girlfriend ko ay ang kauna-unahan kong Girlfriend sa tanang buhay ko.

2. Dahil na rin sa karamihan ng mga CR ngayon ay may bayad na (link). Naglalakbay kami noon ng aking ama at ilang mga kaibigan niya papuntang Batangas ng makaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Tinanong ko ang aking amain.

Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Oo, malapit na tayo”
Dahil nga sa hirap ng aking nararamdaman ako ay muling nagtanong,
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Malapit na tayo, bakit?”
Ako: “Natatae na po kasi ako eh”
Ama: “Tiisin mo na lang muna, malapit na tayo”

Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kaibigan ng aking ama na ako’y namumutla na.
Kaibigan ng

Ama: “Oh! Lex, bakit parang namumutla ka ata. Ayos ka lang ba?”
Ako: “Natatae na po ko eh, hindi ko na mabigilan”

Dahil sa walang malapit na estabisimento sa lugar at puro bukirin at mga talahiban, napilitan akong tumae na lamang sa likod ng isang talahib (insert song, *sa bukid walang papel*).

3. Minsan na akong lumabas sa TV (nakita sa TV), sa isang hindi naman kilalang palabas. Naglalakad lamang kami ng mga tropa ko nung college sa loob ng university, nagshoot pala sila Richard Gutierrez, Chyna Hortaleza at Glyza de Castro. Nakita kami ng mga staff nila at inanyayaan kaming maging extra para sa shoot nila.

4. Relihiyoso ang aming pamilya, kung kaya’t may kaalaman din ako sa maraming mga dasal, novena at mga kaugalian sa aming relihiyon. Dahil sa may chapel sa seminaryo sa may likuran ng aming bahay, ay doon na rin kami nagsisimba tuwing linggo. Naging kaibigan namin ang mga pare doon at mga seminarista kung kaya’t ay inanyayahan nila ako kasama ng ilang mga kaibigan upang maglingkot sa panginoon. Simula noon, tuwing linggo kami na ng mga kaibigan ko ang naging mga Sakristan sa chapel na iyon.

5. Noong highschool pa lamang kami ay usong-uso pa noon ang Eraserheads, Parokya ni Edgar at Oasis. Dahil dito ay ang daming nagsulputang mga banda sa school namin, nagbuo sila ng kani-kanilang mga banda. Papalapit na ang pasko noon ng magkaron kami ng event sa school, “Battle of the bands”. Dahil nakahiligan ko na rin ang musika ay sinubukan namin ng mga kaibigan kong bumuo na rin banda. Sumali kami sa Battle of the Bands na yun at kahit hindi man kami nanalo ng First Place ay naging Third Placer naman kami.

6. May pupuntahang party ang aking ama noon, at dahil sa gabi na nagpasama sakin ang aking ama (in other words driver ako). Dahil sa puro mga kumpare nya yung mga andun at wala naman akong kakilala dun ay napag-isipan ko na lang na magpaiwan sa sasakyan para magsound trip na lang ako. Ako ay nakaramdam ng pagtawag ng inang kalikasan at dahil nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay dun sa party ay naghanap na lamang ako ng medyo madilim na lugar upang ilabas ang aking nararamdaman. May nakita akong madilim na sulok at dun ako nagtungo ng palapit na ako sa sulok ay biglang lumusot ang kanang paa ko. May butas pala dun ng kanal at nabasa ang aking pantaloon hanggang tuhod. Umuwi tuloy akong nangangamoy sa sasakyan.

7. Noong bata pa ko ay meron din naman akong kakulitan sa katawan ko. Nasa edad na 5 hanggang 7 siguro ako nun, may hinahanap akong gamit sa kwarto ko (na hindi ko na maalala kung ano) ngunit hindi ko makita. Naisip ko ng baka naiwan ko sa sasakyan namin nung sumakay ako, kung kayat ay naghalungkat ako sa loob ng sasakyan namin, ngunit hindi ko pa rin nakita. Subalit meron akong ibang nakita noon, isang MAC-10 (Ingram or USI) na baril. Dahil sa bata pa ko at hindi ko alam kung laruan ito o hindi ay kinuha ko to. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang boy namin at tinutok ang baril sa kanya, hindi siya nakakilos at namutla sa takot.

8. Ang best way pala para matutong lumangoy ay ang malunod ka. Nalaman ko ito nung mga 8 years old pa lang ako at pinasok kami ng aking mga kapatid sa isang school para matutong lumangoy. Sa simula tinuruan kami ng iba’t ibang strokes sa mababaw at ng nakita ng instructor naming na marunong na ang lahat ay sisimulan na bagong level ng swimming lessons namin. Lumipat na kami sa malalim na pool, nasa 10 talampakan ang lalim ng pool at syempre siguradong lulubog ako. Kailangan lang naming lumangoy papunta sa kabilang side ng pool. Medyo safe naman kasi sa gilid lang naman kami pinalalangoy at may nakahandang parang kalawit kung sakaling hindi naming kayanin ang makatawid. Ang mga kasamahan naming at ang dalawa kong kapatid na lalake ay nakatawid na at ako na lang ang hindi pa. Dahil sa takot ko sa lalim ng tubig ay hindi ako tumawid hanggang sa pilitin nila ako ngunit ako ay kumakapit sa fence ng pool area at umiiyak dahil ayokong tumalon sa pool na iyon. Ang aming instructor ay lumapit at sinabing, “kung natatakot ka, ok lang yun. Gusto mo ba sabay na lang tayong tatalon sa tubig?” “Sige, kapit tayo ng kamay at pagbilang ko ng tatlo sabay tayong lulundag ah.” Pagbilang nya ng tatlo ay tumalon na ako, ngunit ng pagtalon ko ay bumitaw siya at hindi sumabay sa pagtalon ko. Nakarating na ko sa ilalim ng pool at instinct na lang na lumangoy ako pataas upang hindi malunod. Paglitaw ko sa ibabaw ng tubig ako ay natuwa dahil nagawa kong makalangoy at kinaya kong harapin ang takot ko noon.

9. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa bakuran ng aming biskleta na may sidecar. Ako at ang Diko ko ang nakasakay sa biskleta, siya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero. Nakita kami ng Kuya naming at dahil gusto nya din sumakay ay pinapara nya kami noon. Dahil sa may paikot sa bakuran namin ay dinadaan-daanan lang namin siya at nilolokong hindi naming siya papasakayin. Habang umiikot ay bumibilis ang takbo namin kahit na paliko kami. Hanggang sa pagliko namin uli, sa bilis nito ay tumaob ay bisikleta namin. Humagis kaming dalawa ng kapatid ko. Ako ay lumipad ng parang si Superman paharap at naglanding face first sa semento at nagkaron ng malaking gasgas ang mukha ko, habang ang Diko ko ay konting gasgas lang ang tinamo dahil lumanding siya sa may batuhan.

10. Noong nasa 1st year college pa lang ako sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) ay nagkaron ng bagyo. Subalit hindi pa rin kinakansela ng Gobyerno natin ang pasok ng mga estudyante, maliban na lamang sa Elementary at Highschool. Ang huling klase namin nung araw na yun ay hanggang 9PM inabot na kami ng gabi sa eskwelahan. Dahil na rin sa sobrang gabi na at umuulan pa, hirap na hirap kami ng mga ka-block ko na makasakay at wala pang payong ang karamihan sa amin. Dahil basa na rin kami at walang masakyan, naglakad kami mula sa school papuntang Lawton baka sakaling may masakyan kami. Baha ang daan papunta doon, sa harap ng National Museum hanggang sa harap ng City Hall. Nang wala pa rin kaming masakyan at lumalalim na masyado ang gabi ay napag-isipan na lang naming maglakad pa-uwi dahil nakita namin marami kaming makakasabay. Ang bahay naming lahat ay papunta north kaya habang papalapit na sa Monumento sa Caloocan ay pakonti na ng pakonti kami hanggang sa ako na lang mag-isa ang naglalakad pagkalagpas naming ng Batangas St. sa may Blumentrit. Nakasakay na ko sa may Abad Santos ng jeep kaso hanggang Monumento lang yun. Pagdating ko ng Monumento ay wala nanamang jeep, nilakad ko papuntang Tulay ng Tulyahan at nakita ko daming sasakyan ang hindi gumagalaw. Pagdating ko sa may tulay ay akalain mong sobrang taas ng tubig at lubog na ang tao pati ang mga bus hindi makatawid. Naisipan kong bumalik at maglakad uli pabalik sa kabilang daan na sobrang layo. Sa bwenas ko may nakita akong mga tao na sumakay sa likod ng Elf na Truck papunta daw siyang Sangandaan Caloocan at malapit na yun sa may amin. Hanggang umabot na pala siya mismo sa lugar namin. Nakarating na ko sa bahay namin noon ng bandang 1AM. Akalain mo nalakad ko ang ¾ ng way mula sa Intramuros hanggang Valenzuela.

Ayan, hulaan nyo na lang kung alin dyan ang totoo at hindi. Tignan ko nga kung sinu makakakuha ng tamang sagot. Hehehe.

Wednesday, January 28, 2009

Umpisahan ng Tama ang 2009

Masarap umpisahan ang taon sa paggawa ng mabuti, kung kaya't naisip ng pamilya ng Greenpinoy na unahin natin sa ating mga nakakatanda kay Lolo't Lola (hindi si Cyber Lowla, mga kabarkada lang niya). Labyah lowla.



Ang destinasyon ay sa Golden Acres sa Quezon City.




Parte ng programa ay ang paligayahin ang ating mga elderly. Dahil sa ayaw naming mapagod ang ating mga Lolo't Lola naisipan naming paglaruin sila ng Bring Me. Kaloka, eh mas lalo nga silang mapapagod nun di ba. Ang sabi naman namin sa kanila ay itaas na lamang ang mga kamay at kami na lang ang kukuha ng mga gamit nila para dalin sa harapan. Mantakin mo ba namang hala sugod pa rin sila sa unahan upang dalhin ang mga binabanggit na mga bagay. Buti na lang at walang nadapa sa kanila, at baka mamaya paalis kami bigla ng mga namamahala dun.




Ang main event nga pala ng outreach na ito ay ang pagsulpot ni Chroneicon este Jollibee pala.
Ang nakakatuwa pa ay ng makita ng ating mga elderly si Jollibee ay talagang tuwang tuwa sila at niyayakap pa nila si Jollibee. May mga humahalik din sa kanya. Kita mo talaga ang tuwa sa kanila mga mukha at mga mata. Para siguro silang nagbalik sa pagkabata nung makita nila si Jollibee.
Naghandog din kami ng lunch sa ating mga elderly. Buti na lang hindi natanggal ang mga postiso nila, hehehe.
Hinandugan nga rin pala ni Jollibee ang mga elderly natin ng sayaw, in the tune of "LOW". At nakisayaw pa sila kay Jollibee, kakaloka baka mamaya may atakihin bigla sa puso.



Maigsi lamang ang programang aming inihanda dahil sa hindi nga namang pwedeng basta na lang mapagod an ating mga elderly. Matapos ang lahat ay sana nakapag-iwan kami ng kaligayanhan sa kanila.

Marami din nga palang mga nakakalokang pangyayari habang andun kami pero hindi ko na lang din ikukwento lahat.


Paghandaan na lang at pagplanuhan ang susunod na outreach. Kahit sinu nga pala ay maaring sumama kung gusto nila, welcome naman lahat basta't pagtulong ang nais.

Ang mga kasama nga pala namin sa programang ito ay sina Beth, Friend nila Sherwin, Napundingalitaptap (NA), Billy, Beth, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Mariano, Damdam, Ayz, Kuletz, Leyn, Cyber Lola at Dudan.

Thursday, January 22, 2009

Gandang Nakaka-LagLag

Normal para sa isang lalaki ang mapatingin o mapalingon kapag nakakakita ng maganda at sexy na babae. Minsan ay parang mababali pa ang leeg sa kakalingon. May mga napapatitig pa talaga.

Habang nag-aantay ako sa The Fort sa aking kapatid upang makauwi ay may dumaang magandang babae sa harap ko. Maputi, chinita at naka dress pa siya. Dahil sa ako'y napahanga sa kanyang beauty ay napatingin ako at napasunod ng tingin.

May bitbit siyang box ng cake, bag at plastic bag habang naglalakad. Patawid na sana siya ng kalsada ng matapilok siya sa aking harapan. Ako ay na-shock (nanlalaki ang mga mata...joke) na makita siyang napaupo sa kalsada. Sa gulat hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siya o hindi na. Siguro hinihintay kong sabihin niyang "Oh! Kaya nyo yun!", ahahaha.

Ang nangyari ay, lalapit na sana ako upang maging Knight and Shining Armor (may ganun!) ng tumayo na siya sa pagkakadapa niya. Tingin ko nagpapapampam lang yun sakin eh... ahehehe...
At siya'y dere-deretsong naglakad palayo, siguro nasa isip nya "Anu ba yan dyahe naman nadapa pa ako, nasira tuloy yung cake na bagong bili ko".... ahahaha, yun pala ang iniintindi nya...

Kaya yung mga pa-beauty dyan hindi kayo ligtas sa mga ganitong pangyayari. Siguraduhin lang na poised pa rin kayo kapag nangyari ito. Sabay kaway na parang beauty queen. lolz...

Sunday, January 18, 2009

The Trainee

Just received this as an e-mail from a friend (Carina)...



A man joined a big Multi National Company as a trainee...


On his first day, he dialled the kitchen and shouted into the phone:

"Get me a cup of a coffee, quickly!"

The voice from the other side responded:

"You fool; you've dialled the wrong extension! Do you know who you're talking to?"

"No" replied the trainee.

"It's the Managing Director of the company, you idiot!"

The trainee shouted back: "And do you know who YOU are talking to, you IDIOT?"

"No!" replied the Managing Director angrily.

"Thank GOD!" whispered the trainee and put the phone down...



Ahahaha, astig buti na lang hindi siya nahuli... Ano kaya nyong gawin yun???