Kasama ng isang organisasyon na layong tumulong sa mga bata upang mabigyan sila ng sapat na edukasyon. Inilunsad nila ang isang programa kasama ang ilang mga piling restaurant sa Bonifacio Global City upang makakain kayo ng masasarap na pag-kain habang nagpapaaral ng bata.
Ang pangalan ng programang ito ay: "8 to Educate"

Ang programang ito ng Virlanie (non-profit organization) ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman katuwang ang walong (8) restaurants sa Serendra at Bonifacio High Street na i-promote at suportahan ang edukasyon para sa mga kapos na kabataan.Ang kampanyang ito ay Mula 26 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre taong 2009.
Ang walong (8) restaurant ay may walo (8) ding tampok na putahe na kapag pinili nyong kainin, ang bahagi ng kikitain nila sa putaheng iyon ay mapupunta sa edukasyon ng mga batang ito.
- Arama - Set Meal
- Cav - Valhrona Chocolate Souffle Cake
- Chelsea - Mac & Cheese Kiddie
- Cupcakes by Sonja
- Fu - Dimsum Platter
- Healthy Kitchen - Monsignor James Salad
- Sentro 1771 - Fried Chicken Cutlets, Catfish Adobo Flakes
- Xocolat - Organic Cacao drink & can
Ang aming appetizer: Sosyal na Kropek (sariling tawag ko). Bakit? Dahil sa makabagong paraan ng pagkain nito. Ito ay Kropek na may tinadtad na hipon, sibuyas, at iba pang mga gulay na sinaham pa ng masarap na salad dressing sauce.
Ang isa pa sa mga appetizer na natikman namin ay Lumpiang Tinapa (sariling tawag lang din). Ito ay prinisinta na parang isang lumpia na naglalaman ng isdang parang tinapa ang lasa, itlog na maalat, kamatis at iba pang mga gulay.

Ang pangunahing putahe para sa gabing iyon ay ang mga sumusunod:
Fried Fish with Garlic & Olive Oil (I think)
Stir Fried Noodles
Fish with Lemon Juice (ata)
Krispy Pata (sarap ng suka nila)









Tinapos namin ang gabi sa Cav upang tumikin ng panghimagas at uminum ng wine.
Dahil hindi ako pamilyar sa mga wine, lalo na yung mga mamahalin. Ang tawag daw sa wine na ito ah Cup-C (yun kasi pagkakarinig namin eh.. lolz)
Isa sa mga tampok na putahe sa programa: Valhrona Chocolate Souffle Cake(dahil sa mukhang mamahalin, nahirapan akong kainin dahil hindi ko siya alam kung panu kainin)
Masarap yung cake, hindi gaanong matamis. Yung parang korona nya ay parang toasted crepe. Yung nasa tabi nya at strawberry at pasas.

Kapag tayo ay nagawi sa bandang Serendra at Bonifacio High Street at nakaramdam tayo ng gutom, ating bisitahin ang mga restaurants na ito at subukang ang kanilang masasarap na putahe.


