Ang eroplanong sinakyan namin ay EVA AIR, stop-over namin sa Taipei Taiwan (3-oras na paghihintay) tsaka pa lamang kami tutungong Los Angeles Callifornia (mahigit 12-oras na biyahe).
Ito na siguro ang pinaka-malaking eroplano na nasakyan ko. Una ko agad napansin ay kaibahan nito mula sa mga local na eroplano sa Pinas. Maayos ang pasilidad, maluwag ang espasyo sa paanan at mga Flight Attendant (F.A.) nila. Mapapansin mong mabibilis silang kumilos lalo na sa mga hiling ng mga pasahero nila. Mapapansin mo din na magiliw sila.
Isa ko pang napansin ay kung gaano nila kahigpit na binabantayan ang paggamit ng cellphone sa loob ng eroplano. May isang babae sa harapan ko na gumagamit ng cellphone niya kahit na malapit na kaming lumipad at sinabi na ng kapitan ng eroplano na patayin ang mga elctronic gadgets. Hiniling ng F.A. na yun na patayin ang cellphone niya, at talagang binantayan niya ito hanggang sa makita niyang pinatay na ito. Masasabi mo talagang maganda ang naging pagsasanay nila bilang mga F.A. Bago ko nga pala malimutan, kung hindi ako nagkakamali Taiwanese na eroplano ang EVA Air at lahat ng F.A nila ay mga Taiwanese. Masasabi ko rin na may mangilanngilang magagandang F.A. sa kanila. hehehe.
Rice, Chicken, Gulay, Panghimagas, Cake, Tubig at Apple Juice |
Paglapag namin sa Taipei Terminal 2 airport, hindi siya gaanong kalaki, masasabi kong kasing laki lang din siya ng Terminal 2 Centennial Airport sa Pilipinas. Subalit may mga magagandang pasilidad din sila sa kanilang paliparan.
Una ay meron silang libreng gamit ng PC upang makapag-internet ka, syempre facebook agad tinignan ko dito. Subalit magagamit mo lamang ang PC sa loob ng 30-minuto, pagpatak ng 30-minuto ay kusang sasara ang internet browser. Ginagawa nila ito upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang tao na makagamit ng PC. Pero, maari mo uling buksan ang internet browser para magamit itong muli, simula nga lang uli sa umpisa.
Mayroon din silang maliit na lounge na may magagamitan ka rin ng PC at magbasa ng libro sa kanilang maliit na aklatan. Mayroon din silang e-Book para sa mga librong hindi ninyo makita sa kanilang aklatan. At ang malupit sa lahat ay meron silang iPad na pwede mo ring gamitin.
Gate C5: e-Library Waiting Lounge |
Libreng gamit ng iPad |
eBook Chairs |
e-Book |
Maliit na Aklatan |
Labas ng paliparan |
At dahil sa hindi kami pwedeng lumabas ng Taipei Taiwan at wala kaming VISA, hanggang dungaw na lang ako sa labas ng bintana. Naka-dungaw ako mula sa smoking area ng airport na air ventilated kung saan pumapasok ang hangin mula sa labas at masasabi kong napaka-lamig sa labas ng Taipei.
Abangan nyo ang post ko sa mga unang araw at karanasan ko pagdating ko ng L.A.
11 comments:
Masasabi ko rin na may mangilanngilang magagandang F.A. sa kanila.>> ah ganun ah?? hmmmm..
ikaw na nagbakasyon! ang gwapo mo! *ubo*pasalubong*ubo*
magiliw ba? haha :P
astig me reading area.. anu-ano ung mga librong andun tol?
Mukang masarap yung inflight foodums nila ah! Ang dami! Buffet kung buffet level ito, hehe
wow.....gala mode axel..:
uy!
nu gagawin mo sa US?
for good na ba?
ako na ang tsismosa! hihihi
@Dakilang Tambay >> maganda naman talaga sila eh.. =p sabay hingi ng pasalubong oh.. hahaha..
@ED E. >> magiliw!! haha.. hindi ko na natignan yung mga books eh..
@Visual Velocity >> Oo nga kumpleto sa appetizer hanggang dessert.. hehe.. Ok naman lasa ng food nila..
@Joshy >> nabuhay ka!! hehehe.. Oo gala mode ako ngayon..
@Yanah >> bakasyon lang ginawa ko dun.. hehe..
A lot of people don't like airline food, but I do, hehe. Kamusta na? Andito ka na ba sa Pinas?
@Visual Velocity >> hahaha, oo nga maraming tao ayaw ng food sa airlines.. siguro depende rin sa airlines at kung saan papunta yung flight mo.. Eto Bum ako ngayon at sira yung PC ko.. Yup dito na ko sa Pinas..
Bad trip sa local airlines. Kaka-piranggot na mani ang binibigay. lol
para saken, ang pinakawinar sa lahat e hongkong international airport! winar talaga. wala silang ipad station, pero the airport itself is HUGE. may hotel pa sa loob :))
@Visual Velocity >> haha, ganun talaga malapit lang biyahe minsan tsaka kaya mura yung flight..
@Ayz >> i agree malaki yung sa Hong Kong kasi nasa isang buong isla ba naman yung airport nila dun eh..
Post a Comment