Tuesday, February 1, 2011

Manila Beer Rock On Manila Salu-Salong Pamilya

Noong ika-16 ng Disyembre taong 2010 ginanap ng Manila Beer sa Hard Rock Cafe ang pagtatapos ng kanilang "Rock on Manila Concert Tour" sa ilang lalawigan sa Pinas. Kasama ng labing-dalawang mga banda: Parokya ni Edgar, Rico Blanco, Sanwich, Kamikazee, Franco, GLOC9, Calla Lily, General Luna, Hilera, Imago, Typecast and Paraluman, nagpasaya ang Manila Beer ng labing-dalawang pamilya mula sa "Bukas Palad Foundation". 

Sinimulan ang kasiyahan sa pagliliwanag ng Christmas Tree, pagkatapos ay sinamahan ng mga banda ang bawat pamilya sa isang masarap na tanghalian. Maraming mga palaro at tugtugan ang naganap, sa pagtatapos naman ay binigyan ng bagong electric guitars at salapi ang isa sa miyembro ng bawat pamilya na nagmula ang mga ito sa SRO nationwide tour.

Narito ang mga litrato sa naganap na kasiyahan.


Bago magsimula ang kasiyahan.



Free drinks for invited guests and bloggers.
Mga pwesto kung saan uupo ang mga banda kasama ang mga piling pamilya mula sa Bukas Palad Foundation.
At simulan na ang masarap na kainan hatid ng Manila Beer
Kamikazee at ang kasalong pamilya.
General Luna at isang piling pamilya.
Habang kumakain ay hinarana naman ang mga bisitang pamilya ng Paraluman.
At sa pagtatapos ay tinatawag isa-isa ang isang miyembro ng pamilya upang ibigay ang mga electric guitars at salapi.
 
Sa pagtatapos ay pinasalamatan ng Manila Beer ang lahat ng mga banda sa matagumpay na concert tour at pamaskong handog sa Bukas Palad Foundation.

    Pagkatapos ng pasasalamat, syempre tayo naman ay sumimpleng magpalitrato sa mga paborito nating banda.

Kasama si Bea - drummer ng General Luna.
Syempre ang buong banda ng General Luna.
Raymond Marasigan
Madeline - lead singer ng Paraluman.
Axel (ako), Antukin at Jeck

Salamat sa Manila Beer at naway magpasaya pa kayo ng marami pang mga tao.

11 comments:

Abou said...

at naisipan mo pala mag update ng blog hehe

ang saya naman ng inuman na yan. isama nyo ko sa sunod haha

YanaH said...

natatawa ko sa opening ng comment ni kuya abou! lol parehas lang kayo! hahahhaha

anugn nakain mo at naglinis ka ng blog mo? sana hinintay mo munang pwede ng magtanim ng kamote hahaha

nabalitaan ko yang Rock on Concert hatid ng manila beer. pero nasaan nga ba ako nung mga panahon na yan? ayyy busy-busyhan pala ako hehehehe

Dakilang Tambay said...

wow updated. siguro ito ung ginawa mo sa office ni jim. hehehe. joke lang.

Anonymous said...

ang shala may bagong post! :P

buti nalang at gumagana pa pala toh! eto lang, sama naman minsan! 8-|

Visual Velocity said...

Nakaka-gutom yung litrato ng pagkain! Hehe. Unlimited beer ba jan? Naka-ilang beer ka? Hehe

Axel said...

@Abou >> hahaha, oo updated na kahit papano.. hmmm, naaya lang din ako dito eh..

@Yanah >> bigla ko lang talaga naisip.. hehe.. magada daw magtanim ng kamote ngayon eh..

Naks busy?? saan naman??

@Dakilang Tambay >> wow!! may update ka na ba?? ahahaha..

@Rainbow Box >> tumpak!! bagong post.. sama ka next time?? hehe..

@Visual Velocity >> hindi naman unlimited.. working day eh, kaya nakadalawa lang ako.. *shhh* takas lang from work.. hehehe..

Visual Velocity said...

Naka-dalawa ka lang? Naku bad yan. Dapat minimum of three, hehe :D

Dakilang Tambay said...

mang-api daw. wala ako maisulat. haha

Axel said...

@Visual Velocity >> dapat ba tatlo?? sinu-sino yun?? hehehe..

@Dakilang Tambay >> ahahaha.. magsulat ka na kasi uli..

Visual Velocity said...

Minimum of three beer dapat; bawal less than three :D

Axel said...

@Visual Velocity >> hahaha, sa labas na lang ang inuman ng marami.. Hindi lang tatlo..