Sunday, October 10, 2010

Run for Pasig 10.10.10



Nabalitaan nyo naman siguro ang event na itona ginanap kaning umaga? Ito ay isang fund raising activity upang makalikom ng sapat na salapi upang matulungang maisaayos ang ating makasaysayang Ilog Pasig. Bukod sa pagiging fund raising activity nito, nilalayon din nilang makamit ang pinaka maraming runners (tinatayang 120,000 runners) sa isang event sa "Guiness Book of Records".

Mayroong tatlong kategorya ng pagtakbo; 3Km - 5Km - 10Km run. Ang pagsali ay ginawa online o maaring pumunta sa mga bench stores at ROX. Maari kang sumali sa maliit na halagang PHP 250 sa kahit anu mang kategorya, mas mura kumpara sa ibang mga running events.

Starting Point sa bawat kategorya:
3K - SM MOA (Jose Diokno Blvd. cor. Bayshore Ave.)
5K - CCP Complex
10K - Ayala Ave. cor. Makati Ave.

Mayroon din namang premyo sa mga kalahok ng karera:
Award              5KM                        10KM
1st            PHP 5,000 each          PHP 7,500 each
2nd           PHP 3,000 each          PHP 5,000 each
3rd            PHP 1,000 each          PHP 2,500 each

Inasahang magsimula ang karera kaninang ala-6 ng umaga. Nagtungo kami ng alas-kwatro ng umaga at inakala naming maaga pa, subalit pagdating pa lamang ng Ayala Ave. ay napaka-haba na ng trapiko. Inabot kami ng mahigit isang oras makarating lamang sa Mall of Asia (MOA). Libre din ang pagsakay ng mga karerista sa MRT.

Malapit nang magsimula ang karera ay makikita pa rin ang dami ng tao na nanggagaling ng MRT station papunta ng MOA.
 
  Nasa 4KM na ang naitakbo namin
 
  Lakad na lang palapit sa Finish Line, dami na kasi tao masyado sa dulo.




  Salamat kay Nhel (naka-green) sa mga litrato
 Friends from Red Rush and Nats
Porselas para sa mga nakatapos ng karera. Gawa ng mga taga Bayanijuan sa Southville 7.

Sana matapos nitong event na ito ay magkaron tayo muli ng magandang Ilog Pasig. At sana hindi lamang dito magtatapos ang ating pangangalaga sa ating kalikasan.

15 comments:

Trainer Y said...

huwaw! nag update!
may petyurs pa... naks
ilang minutes mo natapos ang 4k?

maganda un ganyan.. sana marami pa silang mga ganyang funrun projects...
nung dito sa baguio.. nag milo marathn.. jumoin din ako eh.. wala lang nishare ko lang hahaha

nakakamiss magcomment dito..

>:D<

Traveliztera said...

nasa MOA ako kanina...

Axl Powerhouse Network said...

wow.. yun oh.. galing naman :D

Axel said...

@Yanah >> hahaha, dalawa na updates ko ah.. =P
natapos ko ng 37 mins.
Baguio ka ba?? sayang nagpunta ako dyan nung Sept. eh.. dapat pala nagkita tayo..

@Traveliztera >> anu ginawa mo sa MOA?? madaling araw ako nandun eh..

@Axl G >> hehehe.. thanks..

Dakilang Tambay said...

wow. nature lover ka na pala.

may kasamang girls. yihee. hahaha

akin na lang bracelet mo! ahahaha.

Chyng said...

see the photo "Salamat kay Nhel (naka-green) sa mga litrato ". look at that right most building, that's where my office is.

and btw, walang penguins sa manial ocean park. =)

Traveliztera said...

kasama mga pnsan ko tpos nagkataong may bloggers meet-up so nakita ko ung iba haha! naisip ko nga na baka andun ka e. garrr wla naman pla :( pero naisip ko nga na baka tumatakbo ka haha

Axel said...

@Dakilang Tambay >> matagal na kong nature lover noh..
may boys din naman akong kasama ah =|
yoko nga.. dapat tumakbo ka =P

@Chyng >> sa One e-Com Bldg ka work?? ahahaha.. oo nga, walang penguin dun.. hehehe..

@Traveliztera >> may bloggers meet-up?? hindi ko alam yun.. sinu nag-organize nun?? bakit mo naman naisip na nadun ako?? tagal ng walang lakad greenies, tagal na rin kitang hindi nakikita.. hehehe..

Anonymous said...

wow ang daming tao! bigla akong nahomesick times 1 million! at ag ganda ng bracelet!!!!!!!! =D

Anonymous said...

Akala ko ba hindi ka mag-uupdate ulit ng sunday, eh bat ka nag-update? hehehe. =P

Axel said...

@Rainbow Box >> uu dami talagang tao.. homesick ka ba?? san ka ba ngayon?

@Anonymous >> wala akong sinabing hindi ako mag-update.. sabi ko hindi ako sure kung makapag-update ako.. magkaiba yun..

Joyo said...

sumama ka ba jan axel?

Axel said...

@Joyo >> yup sumama ako dyan.. hindi mo ba kita, andyan ako sa mga pictures.. hehehe..

Visual Velocity said...

Uy, okay to. Sana maulit ulit this year. :)

Axel said...

@Visual Velocity >> mukhang hindi siya mauulit this year, pero marami namang Fun Run dyan eh.. Sali ka na, enjoy siya..