Saturday, February 28, 2009

Sampung Kwento

Ayos meron na akong maisusulat na bago sa blog ko dahil sa tag ni lethalverses. Dahil interesting ang rules nitong tag na ito syempre ako din. Sa sampung (10) kwento, siyam (9) lang ang totoo dito, ang ibig sabihin nun ay hindi totoo ang isa (1) dito. Tama ba ko??
Sige na nga, eto umpisahan na natin…

1. Dahil sa nanggaling ako sa all-boys school nung high school ako (meron namang babae, mga 15 out-of 200 boys), hindi ako nasanay makipag-interact masyado sa mga kababaihan. At sa kadahilanang ito ay nung pagpasok ng college ay dumami na ang mga kaibigan kong babae. Simula noon ay nabansagan akong babaero, dahil dito ang kasalukuyang Girlfriend ko ay ang kauna-unahan kong Girlfriend sa tanang buhay ko.

2. Dahil na rin sa karamihan ng mga CR ngayon ay may bayad na (link). Naglalakbay kami noon ng aking ama at ilang mga kaibigan niya papuntang Batangas ng makaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Tinanong ko ang aking amain.

Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Oo, malapit na tayo”
Dahil nga sa hirap ng aking nararamdaman ako ay muling nagtanong,
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Malapit na tayo, bakit?”
Ako: “Natatae na po kasi ako eh”
Ama: “Tiisin mo na lang muna, malapit na tayo”

Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kaibigan ng aking ama na ako’y namumutla na.
Kaibigan ng

Ama: “Oh! Lex, bakit parang namumutla ka ata. Ayos ka lang ba?”
Ako: “Natatae na po ko eh, hindi ko na mabigilan”

Dahil sa walang malapit na estabisimento sa lugar at puro bukirin at mga talahiban, napilitan akong tumae na lamang sa likod ng isang talahib (insert song, *sa bukid walang papel*).

3. Minsan na akong lumabas sa TV (nakita sa TV), sa isang hindi naman kilalang palabas. Naglalakad lamang kami ng mga tropa ko nung college sa loob ng university, nagshoot pala sila Richard Gutierrez, Chyna Hortaleza at Glyza de Castro. Nakita kami ng mga staff nila at inanyayaan kaming maging extra para sa shoot nila.

4. Relihiyoso ang aming pamilya, kung kaya’t may kaalaman din ako sa maraming mga dasal, novena at mga kaugalian sa aming relihiyon. Dahil sa may chapel sa seminaryo sa may likuran ng aming bahay, ay doon na rin kami nagsisimba tuwing linggo. Naging kaibigan namin ang mga pare doon at mga seminarista kung kaya’t ay inanyayahan nila ako kasama ng ilang mga kaibigan upang maglingkot sa panginoon. Simula noon, tuwing linggo kami na ng mga kaibigan ko ang naging mga Sakristan sa chapel na iyon.

5. Noong highschool pa lamang kami ay usong-uso pa noon ang Eraserheads, Parokya ni Edgar at Oasis. Dahil dito ay ang daming nagsulputang mga banda sa school namin, nagbuo sila ng kani-kanilang mga banda. Papalapit na ang pasko noon ng magkaron kami ng event sa school, “Battle of the bands”. Dahil nakahiligan ko na rin ang musika ay sinubukan namin ng mga kaibigan kong bumuo na rin banda. Sumali kami sa Battle of the Bands na yun at kahit hindi man kami nanalo ng First Place ay naging Third Placer naman kami.

6. May pupuntahang party ang aking ama noon, at dahil sa gabi na nagpasama sakin ang aking ama (in other words driver ako). Dahil sa puro mga kumpare nya yung mga andun at wala naman akong kakilala dun ay napag-isipan ko na lang na magpaiwan sa sasakyan para magsound trip na lang ako. Ako ay nakaramdam ng pagtawag ng inang kalikasan at dahil nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay dun sa party ay naghanap na lamang ako ng medyo madilim na lugar upang ilabas ang aking nararamdaman. May nakita akong madilim na sulok at dun ako nagtungo ng palapit na ako sa sulok ay biglang lumusot ang kanang paa ko. May butas pala dun ng kanal at nabasa ang aking pantaloon hanggang tuhod. Umuwi tuloy akong nangangamoy sa sasakyan.

7. Noong bata pa ko ay meron din naman akong kakulitan sa katawan ko. Nasa edad na 5 hanggang 7 siguro ako nun, may hinahanap akong gamit sa kwarto ko (na hindi ko na maalala kung ano) ngunit hindi ko makita. Naisip ko ng baka naiwan ko sa sasakyan namin nung sumakay ako, kung kayat ay naghalungkat ako sa loob ng sasakyan namin, ngunit hindi ko pa rin nakita. Subalit meron akong ibang nakita noon, isang MAC-10 (Ingram or USI) na baril. Dahil sa bata pa ko at hindi ko alam kung laruan ito o hindi ay kinuha ko to. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang boy namin at tinutok ang baril sa kanya, hindi siya nakakilos at namutla sa takot.

8. Ang best way pala para matutong lumangoy ay ang malunod ka. Nalaman ko ito nung mga 8 years old pa lang ako at pinasok kami ng aking mga kapatid sa isang school para matutong lumangoy. Sa simula tinuruan kami ng iba’t ibang strokes sa mababaw at ng nakita ng instructor naming na marunong na ang lahat ay sisimulan na bagong level ng swimming lessons namin. Lumipat na kami sa malalim na pool, nasa 10 talampakan ang lalim ng pool at syempre siguradong lulubog ako. Kailangan lang naming lumangoy papunta sa kabilang side ng pool. Medyo safe naman kasi sa gilid lang naman kami pinalalangoy at may nakahandang parang kalawit kung sakaling hindi naming kayanin ang makatawid. Ang mga kasamahan naming at ang dalawa kong kapatid na lalake ay nakatawid na at ako na lang ang hindi pa. Dahil sa takot ko sa lalim ng tubig ay hindi ako tumawid hanggang sa pilitin nila ako ngunit ako ay kumakapit sa fence ng pool area at umiiyak dahil ayokong tumalon sa pool na iyon. Ang aming instructor ay lumapit at sinabing, “kung natatakot ka, ok lang yun. Gusto mo ba sabay na lang tayong tatalon sa tubig?” “Sige, kapit tayo ng kamay at pagbilang ko ng tatlo sabay tayong lulundag ah.” Pagbilang nya ng tatlo ay tumalon na ako, ngunit ng pagtalon ko ay bumitaw siya at hindi sumabay sa pagtalon ko. Nakarating na ko sa ilalim ng pool at instinct na lang na lumangoy ako pataas upang hindi malunod. Paglitaw ko sa ibabaw ng tubig ako ay natuwa dahil nagawa kong makalangoy at kinaya kong harapin ang takot ko noon.

9. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa bakuran ng aming biskleta na may sidecar. Ako at ang Diko ko ang nakasakay sa biskleta, siya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero. Nakita kami ng Kuya naming at dahil gusto nya din sumakay ay pinapara nya kami noon. Dahil sa may paikot sa bakuran namin ay dinadaan-daanan lang namin siya at nilolokong hindi naming siya papasakayin. Habang umiikot ay bumibilis ang takbo namin kahit na paliko kami. Hanggang sa pagliko namin uli, sa bilis nito ay tumaob ay bisikleta namin. Humagis kaming dalawa ng kapatid ko. Ako ay lumipad ng parang si Superman paharap at naglanding face first sa semento at nagkaron ng malaking gasgas ang mukha ko, habang ang Diko ko ay konting gasgas lang ang tinamo dahil lumanding siya sa may batuhan.

10. Noong nasa 1st year college pa lang ako sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) ay nagkaron ng bagyo. Subalit hindi pa rin kinakansela ng Gobyerno natin ang pasok ng mga estudyante, maliban na lamang sa Elementary at Highschool. Ang huling klase namin nung araw na yun ay hanggang 9PM inabot na kami ng gabi sa eskwelahan. Dahil na rin sa sobrang gabi na at umuulan pa, hirap na hirap kami ng mga ka-block ko na makasakay at wala pang payong ang karamihan sa amin. Dahil basa na rin kami at walang masakyan, naglakad kami mula sa school papuntang Lawton baka sakaling may masakyan kami. Baha ang daan papunta doon, sa harap ng National Museum hanggang sa harap ng City Hall. Nang wala pa rin kaming masakyan at lumalalim na masyado ang gabi ay napag-isipan na lang naming maglakad pa-uwi dahil nakita namin marami kaming makakasabay. Ang bahay naming lahat ay papunta north kaya habang papalapit na sa Monumento sa Caloocan ay pakonti na ng pakonti kami hanggang sa ako na lang mag-isa ang naglalakad pagkalagpas naming ng Batangas St. sa may Blumentrit. Nakasakay na ko sa may Abad Santos ng jeep kaso hanggang Monumento lang yun. Pagdating ko ng Monumento ay wala nanamang jeep, nilakad ko papuntang Tulay ng Tulyahan at nakita ko daming sasakyan ang hindi gumagalaw. Pagdating ko sa may tulay ay akalain mong sobrang taas ng tubig at lubog na ang tao pati ang mga bus hindi makatawid. Naisipan kong bumalik at maglakad uli pabalik sa kabilang daan na sobrang layo. Sa bwenas ko may nakita akong mga tao na sumakay sa likod ng Elf na Truck papunta daw siyang Sangandaan Caloocan at malapit na yun sa may amin. Hanggang umabot na pala siya mismo sa lugar namin. Nakarating na ko sa bahay namin noon ng bandang 1AM. Akalain mo nalakad ko ang ¾ ng way mula sa Intramuros hanggang Valenzuela.

Ayan, hulaan nyo na lang kung alin dyan ang totoo at hindi. Tignan ko nga kung sinu makakakuha ng tamang sagot. Hehehe.

Wednesday, January 28, 2009

Umpisahan ng Tama ang 2009

Masarap umpisahan ang taon sa paggawa ng mabuti, kung kaya't naisip ng pamilya ng Greenpinoy na unahin natin sa ating mga nakakatanda kay Lolo't Lola (hindi si Cyber Lowla, mga kabarkada lang niya). Labyah lowla.



Ang destinasyon ay sa Golden Acres sa Quezon City.




Parte ng programa ay ang paligayahin ang ating mga elderly. Dahil sa ayaw naming mapagod ang ating mga Lolo't Lola naisipan naming paglaruin sila ng Bring Me. Kaloka, eh mas lalo nga silang mapapagod nun di ba. Ang sabi naman namin sa kanila ay itaas na lamang ang mga kamay at kami na lang ang kukuha ng mga gamit nila para dalin sa harapan. Mantakin mo ba namang hala sugod pa rin sila sa unahan upang dalhin ang mga binabanggit na mga bagay. Buti na lang at walang nadapa sa kanila, at baka mamaya paalis kami bigla ng mga namamahala dun.




Ang main event nga pala ng outreach na ito ay ang pagsulpot ni Chroneicon este Jollibee pala.
Ang nakakatuwa pa ay ng makita ng ating mga elderly si Jollibee ay talagang tuwang tuwa sila at niyayakap pa nila si Jollibee. May mga humahalik din sa kanya. Kita mo talaga ang tuwa sa kanila mga mukha at mga mata. Para siguro silang nagbalik sa pagkabata nung makita nila si Jollibee.
Naghandog din kami ng lunch sa ating mga elderly. Buti na lang hindi natanggal ang mga postiso nila, hehehe.
Hinandugan nga rin pala ni Jollibee ang mga elderly natin ng sayaw, in the tune of "LOW". At nakisayaw pa sila kay Jollibee, kakaloka baka mamaya may atakihin bigla sa puso.



Maigsi lamang ang programang aming inihanda dahil sa hindi nga namang pwedeng basta na lang mapagod an ating mga elderly. Matapos ang lahat ay sana nakapag-iwan kami ng kaligayanhan sa kanila.

Marami din nga palang mga nakakalokang pangyayari habang andun kami pero hindi ko na lang din ikukwento lahat.


Paghandaan na lang at pagplanuhan ang susunod na outreach. Kahit sinu nga pala ay maaring sumama kung gusto nila, welcome naman lahat basta't pagtulong ang nais.

Ang mga kasama nga pala namin sa programang ito ay sina Beth, Friend nila Sherwin, Napundingalitaptap (NA), Billy, Beth, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Mariano, Damdam, Ayz, Kuletz, Leyn, Cyber Lola at Dudan.

Thursday, January 22, 2009

Gandang Nakaka-LagLag

Normal para sa isang lalaki ang mapatingin o mapalingon kapag nakakakita ng maganda at sexy na babae. Minsan ay parang mababali pa ang leeg sa kakalingon. May mga napapatitig pa talaga.

Habang nag-aantay ako sa The Fort sa aking kapatid upang makauwi ay may dumaang magandang babae sa harap ko. Maputi, chinita at naka dress pa siya. Dahil sa ako'y napahanga sa kanyang beauty ay napatingin ako at napasunod ng tingin.

May bitbit siyang box ng cake, bag at plastic bag habang naglalakad. Patawid na sana siya ng kalsada ng matapilok siya sa aking harapan. Ako ay na-shock (nanlalaki ang mga mata...joke) na makita siyang napaupo sa kalsada. Sa gulat hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siya o hindi na. Siguro hinihintay kong sabihin niyang "Oh! Kaya nyo yun!", ahahaha.

Ang nangyari ay, lalapit na sana ako upang maging Knight and Shining Armor (may ganun!) ng tumayo na siya sa pagkakadapa niya. Tingin ko nagpapapampam lang yun sakin eh... ahehehe...
At siya'y dere-deretsong naglakad palayo, siguro nasa isip nya "Anu ba yan dyahe naman nadapa pa ako, nasira tuloy yung cake na bagong bili ko".... ahahaha, yun pala ang iniintindi nya...

Kaya yung mga pa-beauty dyan hindi kayo ligtas sa mga ganitong pangyayari. Siguraduhin lang na poised pa rin kayo kapag nangyari ito. Sabay kaway na parang beauty queen. lolz...

Sunday, January 18, 2009

The Trainee

Just received this as an e-mail from a friend (Carina)...



A man joined a big Multi National Company as a trainee...


On his first day, he dialled the kitchen and shouted into the phone:

"Get me a cup of a coffee, quickly!"

The voice from the other side responded:

"You fool; you've dialled the wrong extension! Do you know who you're talking to?"

"No" replied the trainee.

"It's the Managing Director of the company, you idiot!"

The trainee shouted back: "And do you know who YOU are talking to, you IDIOT?"

"No!" replied the Managing Director angrily.

"Thank GOD!" whispered the trainee and put the phone down...



Ahahaha, astig buti na lang hindi siya nahuli... Ano kaya nyong gawin yun???

Tuesday, January 13, 2009

You WiiWii, You Pay

Naranasan mo na ba, habang ikaw ay nasa mall habang namimili ka ay maghahanap ka ng C.R. dahil sa na-wiwi wiwi ka na? Matapos kumain sa food court o sa mga food stand ay makaramdam ng tawag ni kalikasan?

Aba, lahat naman siguro tayo ay gumagamit ng C.R., Restroom o Toilet.

Pero napansin nyo na ba, na sa karamihan na ngayon ng mga C.R., Restroom o Toilet ay may BAYAD na??? WTFEMG!!!


Ang bayad sa mga C.R. na to ay nagkakahalagang Php 5.00 hanggang Php 20.00. Sorry ka na lang kung mas mahal pa dyan ang matiyempuhan mo. Umihi ka na lang sa brip mo o sa panty mo. Eewwww!! Kung ikaw naman ay lalake, aba medyo maswerte ka dahil pwedeng umihi ka na lang dyan sa tabi-tabi na parang doggy (aww-aww), wag ka lang mahuhuli ng mga pulis o ng mga taga MMDA. Sa mga babae naman dyan, sorry ka na lang at UTI ang aabutin mo, ahahaha.


Akalain mo para kang pumapasok sa sinehan dahil pagkabayad mo ay may ticket pang ibibigay sayo. Ang iba ay “Single Use Only”. WTF!!! Talaga. Pano kung ang C.R. na to ay nasa mall o sa mga hang-out place nyo gaya ng sa Harbour Square? Sa tuwing pupunta ka ng C.R.ay kailangan pa talagang magbayad. Mukhang magandang negosyo to ah, maliit lang siguro capital para dito. Ang ikakasama pa ng bulsa mo ay marumi, mabaho at walang tissue ang iba sa mga C.R. na to, lalo na syempre ang mga Portalete (tama ba spelling?), na sobrang baho sa loob kala mo ay nasa gas chamber ka. Kung matapat ka naman sa mga malilinis na C.R. ay jackpot ka at kumpleto sa gamit gaya ng Lotion, Alcohol, Sabon, Tissue at may Powder pa minsan (teka baka ibang C.R. na to ah... hehehe), syempre lulubusin mo na ang binayad mo at gagamitin mo ang lahat ng ito.

Payo ko na lang sa mga lalake magdala na lang ng bote, syempre yung kakasya at sa mga babae sa mas malakeng bote na lang kayo o kaya gayahin nyo yung kilala ko na hindi napigilan at umihi sa baso ng McDonalds na take-out namin. Sikreto lang to at apat na tao lang nakakaalam nito. Hehehe.

Thursday, January 8, 2009

Your so Wide

Matagal ko na kong nagpaplanong bumili ng sarili kong computer at sa taong 2008, sa buwan ng December at sa petsa ng 27 ay natupad na ito.

Nung una ay nahirapan akong mag-isip kung Desktop o Laptop ang bibilin ko. Naiinggit kasi ako nung una sa mga kaibigan kong naka-laptop pero kailangang maging mautak. Dahil sa mahilig din ako sa games ako sa mga anime movies, sa huli ay napag-isipan ko na Desktop na lang aking bibilin.

Eto nga pala yung Desktop na nabili ko. A reward for myself, for my hardwork and after loosing 3 cellphones in 20008. hehehe.



Just to share and magyabang ng konti, eto ang specs ng PC ko para sa medyo mga techie na tao. Hehehe.

Athlon64 X2 6000 Processor
Kingston 2GB PC800 DDR2
Samsung 500GB SATA, Hard disk
INNO3D 8500GT 1GB, Video Card

And my pride for this PC, Samsung T190 LCD Black Glossy na 19" wide. Nung una dapat 17" lang kukunin ko pero ang mura lang kaya eto siya ngayon.

Sana sa tulong nito ay mas makapag-post na ko ng mas madalas. hehehe.

Happy New Year sa Lahat...

Sunday, December 21, 2008

Prayer Brigade

Lord God, we thank you for all the blessings that youve been showering to us.. to our families.. and most specially to our country. truly we are still blessed for despite the wrongdoings our government officials keeps on doing, you never cease to give us what we need. if we asked for peace, you gave it to us although you didnt give it as a whole for you give us something to work for. we thank you Lord for all the good things, the success that our "kabayans" achieve, it is truly something for us Filipinos to be proud of.

Heavenly Father, we pray for peace of mind, contentment and clean heart for those presidentiables who will be running on the 2010 elections.may you give them the wisdom they need and may they use it properly for the betterment of the country. ipinapanalangin po namin na sana#y gabayan nyo po ang mga government officials namin sa kanilang panunugkulan upang maging maayos naman po ang takbo ng aming bayang sinilangan.sana po ay mabawasan na ang kanilang pagkagahaman sa pera at kapangyarihan upang ang kanila naman pong unahin ay ang ikabubuti ng Pilipinas at ng mamamayan nito.


We fervently hope and pray that whoever wins this coming 2010 election, maging worthy po sana sya sa pagkakahirang sa kanya. naway gawin nya ng tama at sa ayos ang tungkulin na iaatang sa kanya. sapagkat umaasa sa knya ang buong samyanang Pilipino na hindi man agad-agad ay maihaon ang Pilipinas sa lusak na kinasadlakan nito.
yan lamang po ang aming mga panalangin
Dahil sa na-Tag nanaman ako para sa panalanging ito na para naman sa magandang intensyon ay sana masundan din ng mga sumusunod...