Tuesday, February 23, 2010

Boses Ng Masa

Naipahiwatig mo na ba ang mga saloobin mo? Naibahagi mo na ba ang nilalaman ng iyong isipan? Kung hindi pa ay maari mo itong gawin sa palabas ng GMA 7 na Unang Hirit.

Sa isang segment ng show na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at mga opinyon sa iba't ibang isyu na kanilang pinag-uusapan. Ito maaring maging tungkol sa pulitika, kalusugan, relihiyon at kung anu-ano pa. Ipapalabas lamang nila ang isyu sa TV at maari na kayong magbigay ng opinyon nyo sa pamamagitan ng pag-text sa kanila. Kapalit naman ng pagsali at pagbigay ng inyong mga opinyo ay mabibiyayaan kayo ng iba't ibang papremyo. Magmula sa TV, damit, appliances at mga pagkain.

Wednesday, February 17, 2010

INVICTUS

Kakauwi ko lang matapos kong makapanood ng sine sa Makati, salamat sa aking kaibigan dahil libre yung movie. Salamat sa premier ticket pass namin. hehehe.

Masasabi kong isa ito sa pinaka-magandang movie na napanood ko. Madadala ka talaga ng main character sa flow ng istorya. Para kang mabibigyan ng bagong pag-asa at lakas ng loob. Sa tingin ko ang istoryang ito ay magandang maging halimbawa sa Pilipinas at sa kalagayan natin ngayon.

Ang istoryang ito ay naganap sa South Africa sa taong kung kelang pinayagan ng bumuto ang mga South African's para sa kanilang Democratic Election. Ito rin ang panahon na si Nelson Mandela (Morgan Freeman) ay kakalaya lamang sa kulungan at nahalal bilang presidente ng South Africa. Dala niya ang pag-asa ng pagbabago mula sa pang-aapi sa kanila ng mga dating namumuno sa kanila.

Wednesday, February 10, 2010

Hot Air Balloon Fiesta

Para sa mga naghahanap ng exciting na event para sa darating na Valentines Day, iniimbitahan ko kayong dumalo sa darating na Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Freeport Zone sa Pampanga. Ito ay magandang pagkakataon para sa inyo at nang maiba naman ang activity nyong dalawa.

Ang event na ito ay magsisimula sa February 11 hanggang February 14. Ang ticket ay nagkakahalaga lamang ng Php150 ang isa. Maari nyo itong mabili sa gate mismo ng eventa, sa TicketNet at sa Recreational Outdoor Exchange (ROX) sa Bonifacio High Street, Global City.


Maari din kayo magkaron ng pagkakataon na sumakay sa mga Balloon na ito sa halagang Php500 ang isa (kung hindi ako nagkakamali sa presyo). Hindi ba't mas romantic yun kaysa sa usual na dinner date.

At dahil dyan, magkita-kita na lamang tayo dun dahil meron na akong ticket. Hehehe!
Salamat sa San Mig Light at nanalo ako ng 2 FREE Entrance Ticket para dito. Ngayon, sinu kaya ang isasama ko dito kasi dalawa ang ticket ko eh. Hahaha.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin nyo na lang ito Hot Air Balloon Fiesta.

Thursday, January 7, 2010

Vote Wisely

Sa ilang dekadang nagdaan may isang kandidato na matagal ng tumatakbo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nananalo. Hindi napapansin ang mga kaya niyang gawin o mga pangakong maaaring matupad. Totoo nga bang nakalimutan na natin na maaari nya tayong tulungang bumangon muli sa pagkalugmok ng ating bayan. Ang napapansin na lamang ba natin ang mga makabagong paraan ng pagkandidato. Dapat nating simulan ngayon na baguhin ang ating kapalaran sa pamamagitan ng ating boto.

Dahil sa year-end post ko at sa comment ni ARDYEY at sa poster na ginawa ni Ed. E. ay naisipan ko itong entry na to sa aking blog.


Natuwa ako sa poster na toh, subalit ang katotohanan ay kailan nga ba tayo bumoto ng tama? Kailan nga ba natin ginamit ng tama ang ating kapangyarihang bumoto? Nagpapa-impluwensya lang ba tayo sa mga TV ad nila o sa mga kasikatan nila?

Sana sa darating na halalan, "Vote WISELY".

Thursday, December 31, 2009

Maligayang Bagong Taon 2010

Eto na marahil ang magiging huling post ko sa taong 2009 na, dahil papasok na ang taong 2010..
Para sa taong ito na lumipas at sa mga nabisita, nagbasa at nagbigay ng kanilang mga komento sa "Axel City" maraming salamat sa inyo at binabati ko kayo ng Masagana at Masayang Bagong Taon.


Atin ng kalimutan ang nangyari sa nakaraang taon lalo na yung mga hindi magandang nangyari sa atin. Sikapin na lamang nating baguhin ito, wag ng ulitin at lalong pag-ibayuhin ang ating mga sarili. Para naman sa mga naging magandang mga pangyayari, atin sanang ituloy o maari ay higitan pa ito sa darating na 2010.

Kung kaya, ating tandaan...


VOTE WISELY!!!

Saturday, December 19, 2009

Pag-REHISTRO EXTENDED

Dahil sa marami pa sa atin ang hindi pa nakakapag-parehistro, ngayon ay may pagkakataon na kayo. Salamat sa tulong ng "Kabataan Partylist", gumawa sila ng petisyon upang mapahaba pa ang araw upang makapag-parehistro ang ating mga kababayan.

Ngayon, sana bigyan na natin ng panahon upang makapag-parehistro tayo, dahil ito na ata ang pinaka-mahigpit na labanan ng mga kandidato para pagka-pangulo.

Simula sa Dec. 21, Monday hanggang Jan. 9, maari na kayong pumunta sa mga COMELEC offices na malapit sa inyo upang makapag-parehistro.

Para sa mga dagdag na impormasyon, maari basahin na lang natin sa Kabataan Partylist.

Thursday, December 3, 2009

iBoto Mo Ko!

Dahil sa palapit na ng palapit ang eleksyon sa Pilipinas, naisipan kong sumulat ng mga bagay na may kinalaman dito. Nais ko sanang ihatid ang aking saloobin at kung maari ay matulungan ang mga mambabasa ko (kung meron man) na mamili at makita kung anung nagawa o magagawa ng ating mga kandidato. Mas bibigyan ko ng tuon ang ating mga "Presidentiables".

Ang mga nakaraang buwan ay naging mainit simula sa pagsasatupag ng "Poll Automation", sa paglipat ng mga kandidato ng partido, sa paglalahad ng pagtakbo sa pagka-presidente, sa pag-atras ng iba, kung ang iba ay papayagan bang kumandidato ayon sa ating batas hanggang sa mga "Nuisance Candidates".

Lahat ng tungkol sa darating na eleksyon ay pipilitin kong maibahagi sa inyo. Pipilitin ko ring himayin para hindi naman masyadong marami. Uunahin ko ito sa pamamagitan ng pamamahagi sa inyo ng mga listahan ng mga taong kakandidato.

Para sa pagka-pangulo:

Pangalawang Pangulo:


Senador:

Pasensya na at maliit ang mga sulat, para sa mga interesado sa kumpletong listahan ng mga kandidato, maliban sa mga lokal na kandidato ay puntahan lang ang website ng COMELEC.

Para sa mga nagparehistro na upang bumoto maari kayong matulungan din ng site nila.


Sana ngayon ay makaboto tayo ng ayon sa tingin natin na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan at hindi dahil lamang sila ay popular. Hindi rin dahil sa ito nasasabi ng nakararami o ng mga "survey's" dahil iba pa rin yung dahil sa alam natin na sila nararapat.

Ilang araw na nga lang ba bago ang botohan, tara na iBoto Mo Ko!