Thursday, March 3, 2011

Bagong Salta: Los Angeles, California - Taipei, Taiwan stop-over

May mga ilang bansa na akong napuntahan sa Asya subalit unang pagkakataon kong mapunta sa Amerika. Masasabi kong hindi ako ganoon kasabik na makarating doon, dahil alam ko naman na karamihan ay puro mga gusali lang ang makikita ko doon. Mas mahilig kasi ako sa mga lakad na may makikitang kakaibang kultura, sining at kalikasan.

Ang eroplanong sinakyan namin ay EVA AIR, stop-over namin sa Taipei Taiwan (3-oras na paghihintay) tsaka pa lamang kami tutungong Los Angeles Callifornia (mahigit 12-oras na biyahe). 

Ito na siguro ang pinaka-malaking eroplano na nasakyan ko. Una ko agad napansin ay kaibahan nito mula sa mga local na eroplano sa Pinas. Maayos ang pasilidad, maluwag ang espasyo sa paanan at mga Flight Attendant (F.A.) nila. Mapapansin mong mabibilis silang kumilos lalo na sa mga hiling ng mga pasahero nila. Mapapansin mo din na magiliw sila.